Chapter 32

26 19 0
                                    

'Kiely POV'

Ilang araw na ang nakalipas, isang linggo to be exact ng nangyari iyong nakita ko sa pagitan nila Archer at Cathalia, I pretend that I didn't see, sa bagay hindi ko naman kailangan araw araw magpanggap, dahil minsan lang kami magkita ni Archer at minsan lang din niya ako pansinin.

Ayaw niya akong pansinin sa school hindi ko alam kung bakit, baka isa na sa rason don si Cathalia, ipinilig ko ang ulo ko, hindi maaari, naiisip ko pa lang na may Relasyon silang dalawa nasasaktan nako. Sege pa Kiely saktan mo pang sarili mo, kakayanin mo to hanggang sa huli.

Kasalukuyan kaming nasa Bar at nasa counter pa rin ako nag-iinom habang ang dalawa kong kasama ayon at kanina pa sa dancefloor, Ewan ko ba kanina ko pa tinititigan ang Inumin ko dito sa counter, hindi ko trip gumalaw masyadong malalim ang iniisip ko, itinungga ko agad ang Inumin na kanina ko pa tinititigan at muling nag order na naman.

"Brokenhearted ka ma'am?"

Hindi ko nilingon ang sinabi ng Bartender, Wala akong panahon para makipag usap

"Ganyan talaga yan Ma'am pagnagmamahal aasahan mo ang ma saktan"

Nilingon ko siya.

"Stop talking to me, I'm not brokenhearted"

He chuckled na ikinairita ko.

"I know you are, don't deny it Kiely"

Ha? Kilala niya ko? Seriously.

"You know me?"

Tumango ito, At San ko naman ito nakilala

"Relax, hindi moko kilala but kilala kita"

"Okey, if you said so"

"I'm one of your admirer"

Sabi na eh, admirer ko ito kaya pala kilala ako nito.

"You're beautiful Kiely, I guess you don't deserve to be hurt by someone else"

"I deserve to feel this pain, since I was the one who planned this"

"That guy was blessed enough to have like you, every man dream to be your boyfriend"

"Not all man dream to be my boyfriend"

"Here"- bigay niya sakin ng inumin ma agad ko namang tinungga.

"I'll just go dance"-kinindatan ko pa siya bago pumunhik papunta sa dance floor, umaalon na ang sahig sa paningin ko simbolo na tinamaan ako masyado sa mga pinag-iinom ko.

Sumayaw ako ng pa kimbot kimbot habang nakapikit, hinawi ko ang buhok ko papunta sa likod ko dahil sa medyo sagabal. Minsan napapatalon dahil sa sarap ng tugtog, may biglang humawak sa bewang ko at sumayaw sa likod ko, hindi ko ito pinansin dahil busy ako sa pagdama ng musika, hinawakan niya ang kamay ko at hinarap sa kanya, laking gulat ko ng ma mukhaan ko ang kanina ko pang partner.

Luke Perceval.

What is he doing here?, Napailing ako sa sarili kong tanong, syempre party goer din tong lalaking to kaya andito din to. Luke was my ex, Ewan ko kung pang-ilan hindi ko na mabilang mga ex ko, pero lahat sila hindi nakatikim sakin syempre si Archer lang, malandi ako pero nasa lugar Yong tipong matigas ako pagdating sa mga bagay na yan. Bumalik ang ulirat ko ng hinawi ni Luke ang buhok ko at inilapit ang bunganga niya sa tenga ko.

"You look hot tonight Kiely"

"I'm always hot"-malandi kong bulong din sa kanya at inilayo na ang sarili sa kanya

"Drinks?"-he mouthed to me na ikinailing ko naman.

Yoko nga baka nilagyan mo yan ng gayuma o diba pampatulog ede talo nako, alam kong utak mo Luke may pagka adik rin kasi itong lalaking to sakin, Matagal na niya akong gustong angkinin na hindi naman niya magawagawa kasi nga mautak ako dzuh, ako pa.

Tinalikuran ko siya, at nakipartner ng iba, medyo ayoko sa naging partner ko uli kasi masyadong malandi, kaya naghanap ako uli ng kapartner ng sa di inaasahan sinuntok ni Luke ang naging partner ko.

Nababaliw na nga talaga.

"Ano ba Luke! Tumigil ka na nga, ano bang problema mo!"- pumagitna ako sa kanilang dalawa, inawat sila bago pa dumating ang bouncer hinawakan si Luke ng dalawang bouncer sa magkabilaan niyang braso.

Itinuro turo niya ang ka partner kong kasayawa kanina

"You! Don't ever touch my girl!!"-sigaw niya na nagpa-agaw ng Attention sa ibang mananayaw.

"Stop that shit Luke!! Wala ng tayo!"- nakita ko ang paglapit ng dalawa kong kaibigan.

Senenyasan ko ang bouncer na ilabas na siya hinarap ko ang kanina kong kasayaw.

"Sorry, medyo baliw din kasi ang taong yon masyado assuming na kami pa, sorry talaga"

Ngumiti siya sakin bago sumagot

"It's okey, I understand I hit my limitation touching your private parts, I'm sorry too"

Nginitian ko siya bago tinalikuran na upang puntahan si Luke na nagwawala sa labas.

Tinawagan ni Valerie si Jensen, as of now we need his help.

"Luke! Ano ba to?? Gimmick mo na naman ba?! Luke Wala na tayo, Matagal ng Wala! Hindi ba yan kayang intindihin ng kokoti mo!!"

Lumapit siya sakin at mahigpit na hinawakan ang braso ko.

"Akin ka lang Kiely! Akin lang! Wala kang boyfriend dahil hindi kapa naka move on sakin"

Napahalakhak ako sa sinabi niya

"Ako!"-turo ko sa sarili ko "hindi pa naka move on sayo? Wow!! Kapal din ng muka mo"

"Bakit! Hindi ba totoo!"-Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakawak sa braso ko

"Aray! Ano ba! Itigil mo nga to masasaktan talaga kita"

"Leave her alone bro!"-biglang sulpot ni Jensen sa tabi ko at malakas na tinabig ang kamay ni Luke na nakahawak sa braso ko, binitiwan ako ni Luke at bigla niya namang sinakal si Jensen

"Wag ka ngang makiilam! Bading ka lang"

Agad kong sinuntok si Luke na nagpatumba sa kanya

"Last na to Luke Perceval, huling pakiusap wag mo nakong guluhin!!"-malakas ka sigaw ko sa kanya

"No! Guguluhin kita hangga't kaya ko"

"Ganon ba?"

Sinugod ko siya at sinuntok ng pinaka Malakas kong suntok. Napahiga siya sa Kalsada at dinaganan ko naman at walang anomang pinagsusuntok kabila Kanan, halos buong mukha ni Luke ay duguan, panay ang awat sakin ni Jensen, na bigla ako ng nakatayo pa si Luke at sinikmuraan ako ng napakalakas gawa ng pagsuka ko ng dugo. Tumayo ako ng maayos, nasikmura niya din Si Jensen, tapos si Livvy agad akong napatakbo ng si Valerie na ang susunod, nasalag ko ang suntok na para ay kay Valerie, at buong lakas na pinatid siya galing sa ere na nagpatumba sa kanya, dinaganan ko na naman siya at pinagsusuntok suntok halos mawalan na ng hininga si Luke ng tigilan ko at dumating ang ambulance, Tumawag na pala si Valerie.

Tumayo ako sa pagkakadagan kay Luke at kusang natumba sa semento, ito ang pinakamasayang Night out yata namin hanggang sa unti unting umitim ang paningin ko.

Why Can't We Be? (Completed)Where stories live. Discover now