Chapter 39

30 19 0
                                    

'Kiely POV'

'lasing ka lang Kiely'

Yan ang parati kong inuulit sa utak ko dahil sa paulit ulit na nag e-echo sa tenga ko ang sinabi ni Spenser sakin. Hindi naman siguro joke yun hindi ba?, Umiling ako sa sarili kong iniisip Kelan man ang hindi natutong magjoke si Spenser at kelanman ay hindi ko na rinig na mag joke siya. Hindi naman siguro to lasing si Spenser hindi ba?

Umiinom nga ba si Spenser? Baka hindi, baka rin namang oo, lahat ng tao umiinom lalo na kung may problema kaya siguro occasionally umiinom itong si Spenser. Ako kasi ginagawang libangan ang pag inom mas malala pa sa lalaki kung uminom, ayos lang naman hindi naman ako napapagalitan ni Dad kasi hindi niya din naman ako naabutang lasing na Lasing kasi nga isipin niyo wag kayong Bobo, Madaling araw na ako kung umuwi galing sa night out pano Naman niya mababantayan ako? Heller hindi na ako bata para bantayan pa, tsaka fully trusted ako ni Dad na hindi gagawa ng kalokohan kaso for over how many years ko ng nilulunod ang sarili sa pagkakalasing at paglalandi sa iba't ibang lalaki syempre hindi ako naging bistado, yun bang mabuntis ng walang ama kasi maingat ako.

Kumbaga Malanding maingat, at malanding mautak.

"Don't ever vommit in my Car Kiely"-banta sakin ni Spenser na kala mo naman gagawin ko

"Kapal! Ang Mahal Mahal ng ininom ko! Tapos isusuka ko lang, hindi naman siguro ako weak uminom noh"

Sayang ang Inumin kung isusuka mo lang mabuti pa at wag uminom kung isusuka nga lang naman.

"Alam mo Spenser Matagal ko ng pangarap na makasakay sa sasakyan mo at makasama ka sa iisang sasakyan kasi Ano-"

Bigla akong napahinto, si Archer na naman ang naiisip ko, nababaliw na nga ako dahil lahat ng bagay naipagkukumpara ko kay Archer. Spenser likes me I think, kasi sa sinabi niya kanina, mahirap paniwalaan ngunit kailangan kasi nga assumera ako paki niyo!

Nirerespeto ko ang pagkatao ni Spenser kaya mali ang bumanggit ng Pangalan ng ibang tao habang siya ang kasama ko. Siya ang natawagan ko, randomly yun eh, sa dinami ba ng naka save sa contact ko napilian ko talaga si Spenser tawag don jackpot. Jackpot niya malas ko naman kasi para akong nagsama ng hindi marunong magsalita jusmeyo.

"Ano, alam mo na ang Arte mo kasi ang hirap pakisamahan, kaya nga imbis na ikaw dapat ang landiin ko sa iba ko tuloy na gawa"

Nakagat ko agad ang pang ibaba kung labi, kingina Kiely pag ikaw nadulas sa bunganga mo ngayon lagot ka talaga, alalahanin mo magkaibigan ang taong ito at si Archer wag kang bobita self Please!

"Ayaw mo talagang magsalita? Gaano ba kamahal ang bawat words na lalabas sa bunganga mo?"

Napakatakaw talaga ng taong to sa pagsasalita, Mahal na Mahal siguro niya ang dila niya kaya ayaw niya itong mapagod.

"Hoy! Spenser umamin ka nga? Do you like me?"

Sorry pero makapal talaga mukha ko na kaya kong itanong talaga sa kanya yon, hindi naman impossibleng gustuhin niya ako eh, maganda naman ako wag lang natin pag-usapan ang ugali kasi Ewan ko din kung asan ako nag Mana, sa magaling kung ina siguro.

Tanging buntong hininga niya lang ang sinagot niya sa tanong ko.

Baliw na talaga ang lalaking to, kala mo naman gold ang laway at ayaw magsalita balakajan.

Binuksan ko ang bintana ng sasakyan at inilagay ang braso doon na siyang tinungtungan ko sa Ulo ko upang dumungaw sa Labas.

"Ang lamig ng simoy ng hangin, kasing lamig ng pakikitungo mo sakin"

Wala sa sarili kong saad, nahihilo na din kasi ako.

Umayos ako ng upo at muling tinitigan si Spenser

"Stop staring at me, I can't focus on driving"

"You're so handsome"-hindi ko inaasahang masasabi ko iyon.

Nakita ko ang pagngiti niya na ikinasinghap ko owemji! He smiled!
Sa tanang buhay ko ngayon ko lang siya nakitang ngumiti kaya napakaling himala na nagmula sa kalangitan.

"Tsss, you're being crazy Kiely"

Agad akong napanguso sa sinabi niya. Hindi pako baliw. Baliw kay Archer siguro oo, ayon na naman! Si Archer na naman hays.

"We're here"-saad ni Spenser at mabilis na tinanggal ang seatbelt. Andito na pala kami ni hindi ko lang namalayan gosh.

Umikot siya papunta sakin at ipinagbukas ako ng pinto, tinanggal niya ang seatbelt ko dahil wala na akong lakas para tanggalin ito.

"Can you walk?"-natatawa man at tumango ako at ng makalabas na ako sa Kotse ay umayos ako ng tayo at tinitigan ang maamong mukha ni Spenser. He stared at me using his blank emotion.

Humakbang ako papalapit sa kanya at Ilang dangkal na lang ang layo namin.

"I wish it were you"

Unti unti kong nakita ang malungkot na expression ni Spenser habang nakatitig siya saking mga mata.

"I really wish it was me who you choose."

Naguguluhan man ay wala sa sarili kong inilapit ang mukha kay Spenser at hinalikan ang kanyang mga labi, lasing ako pero hindi ko din alam kung bakit ko ito ginagawa ngayon. Unti unti kong nararamdaman ang pagtugon niya sa aking mga halik. Ng bigla kong naalala ang mukha ni Archer ay agad akong napabitaw.

It was wrong, this all was wrong.
I'm just drunk and I know it was just a mistake.

"How was the kiss?"

Agad kumalabog ng Malakas ang puso ko ng marinig ang tinig na iyon, ng Lumingon ako sa harap namin ay biglang nangatog ang aking mga tuhod.

Archer was there, and I'm afraid if he saw us kiss?

"A-Archer"-kinakabahan kung aniya. Imbis na Lasing ako at nahihilo bigla yatang nawala ang pagkalasing ko at tanging kay Archer lang umikot ang mundo ko.

Lumapit ako sa kanya ngunit humakabang siya pa-atras itinaas niya ang kanyang kamay

"Don't"-walang emosyon niyang aniya.

"Archer let me explain"- naiiyak kong saad.

Bakit ko ba kasi nagawa yon! Ambobo ko na talaga sa lahat ng bagay nakakainis!

Tumalikod siya sakin at lumapit sa sasakyan niya, ni hindi ko din napansin ang sasakyan niya kanina.

Ang tanga ko talaga!

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang braso niya

"Archer Please let me explain, please"-maluha Luha kong saad ngunit mariin niyang tinanggal ang kamay kong nakahawak sa kanyang braso

"We'll talk it tomorrow, just rest Kiely"

Umiling ako na parang bata na iiwan ng ina

"No, please mag-usap tayo"

Agad siyang sumakay sa kanyang Kotse at malakas na pinaharurot ito.
Nilingon ko si Spenser na nakatingin lang sa akin at ayon na naman ang blanko niyang expression.

Gusto kong murahin ang lalaking ito pero hindi ko magawa kasi ako yong humalik ako yong gumawa ng hakbanh na yon kaya hindi ko pwedeng isisi kay Spenser.

Napapikit ako sa inis at sa galit.
Now I don't know how to face Archer anymore.

Why Can't We Be? (Completed)Where stories live. Discover now