Chapter 37

28 20 0
                                    

'Kiely POV'

"How was the date Kiely?"

"Just fine"-walang gana kong saad dito na agad namang Inirapan ni Livvy, pambihira talaga kasi itong babaeng ilang araw na ang nakalipas ngayon pa naisipang magtanong.

"Don't lie Kiely, that was the best day that happened in your life am I right?"

I rolled my eyes.

"Tsss, what are you talking about?"

"Come-on Kiely! Wake up! Hindi ako si tanga para hindi mabasa ang mga kinikilos mo"

Nilingon ko si Valerie na tahimik lang na kumakain, it was our lunch break Kaya andito na naman kami sa Canteen.

"Ano bang nababasa mo sa kinikilos ko?"

"You're freaking inlove with that man"

Napabuntong hininga agad ako, Livvy was right I am in love with that man

"I don't know"

"You don't know because you're a flirt"

"Sasapakin talaga kita Livvy"-inis kong saad

"Ang tanong? Do you have the same feelings towards each other?"

Umiling ako, I'm not sure then eh kung totoo ba iyong mga pinapakita niya, yes we exchange I love You's but I'm not yet sure if he really mean it.

"Yeah I guess?"

Humalakhak ito at saka ipinatong ang kamay sa lamesa.

"Bakit ka nahulog? Our planned was to make him fall hindi ikaw"

Yan din ang tanong ko sa sarili ko kung bakit ko hinayaang mahulog sa lalaking iyon. Kasalanan ko kung bakit nahulog ako ng tuluyan sa kanya.

"Hindi ko alam"

Sumeryoso ang mukha ni Kiely at muling napabuntong hininga.

"Itigil niyo nga ang pagbuntong hininga nasa harap tayo ng pagkain"-saway samin ni Valerie

"Palibhasa kumakain ka lang diyan hindi namomroblema"-aniya ni Livvy

"Ano na bang status niyo ni Archer?"

Mas lalo akong nangamba sa status namin, he never Courted on me, ni hindi niya ako tinanong kung payag ba akong magpaligaw, gaano na ba talaga ako katanga don sa lalaking yon?

"Wala, hindi ko alam kung ano kami?"

"What! Seriously akala ko pa naman kayo na? Kiely ayusin mo yan, mukhang tayo ang makakarma sa mga pinagagawa natin"

Umiling ako.

"Aayusin ko ito. You don't need to worry"

"I'm not worried about your status, I'm worried about your heart. Please Kiely shield your heart"

I need to shield my heart, para hindi ako ang mas masaktan saming dalawa. Ngayon lang ako tanga at sisikapin kong hindi na ito mauulit.

"I will try my best to shield my heart"-wala sa sarili kong aniya

Hanggang sumapit ang hapon, lutang pa rin ang iniisip ko nasa parking lot nako ng madatnan kong magkayakap si Archer at Cathalia.

Napahinto ako at napatago sa isang sasakyan.

Ano bang relasyon niyong dalawa?
Ako ba ang nagpapakatanga sating dalawa Archer?
Pinahid ko ang ilang butil ng luha ko na hindi ko namalayang tumulo na pala.

There must be something to this two that I need to find out.

Nakauwi ako sa bahay ng hindi ko namalayan.

"Hey Dad"-aniya ko saka humalik sa pisngi niya

"William is here"

Agad umarko ang kilay ko pataas

"What is he doing here?"

"Kiely I want you to marry William"

Mas lalong nadagdagan ang inis ng puso ko

"Dad No, I'll choose the man who I'm going to marry soon, you can't just force me to marry someone I don't love"

"Hijo"- natigilan ako sa sinabi ni Dad at paglingon ko sa likod ko he was there standing

"Iwan ko muna kayo para magkausap muna kayo"

Masama ang loob ko kay Dad, lalo na at pinipilit niya akong ipakasal dito sa pesteng lalaking to.

"Sege Po Tito"-sagot nito.

Umalis na ng tuluyan si Dad at heto ako nakatayo parin,

"You don't want to sit?"

Binalingan ko siya ng masamang tingin saka padabog na umupo, magkaharap kami ngayon Kaya nga inis na inis ako dito sa lalaking to.

"I -I'm sorry"

Pagbasak niya sa Katahimikan naming dalawa, dahil kung ako ang tatanungin wala akong planong magsalita bahala siya sa buhay niyang mapanis ang laway niya pvtanginang lalaking to

"Sorry for fvcking what?"

"I'm too desperate to win your heart that made me think that I wanted to marry you"

"Buti alam mong mali ang ginawa mo, William maling mali ang ipilit ang sarili mo sa taong walang gusto sayo, Oo nasa iyo na lahat ng hinahanap ko sa lalaki, pero William wala sakin ang babaeng hinahanap mo."

Napayoko siya sa sinabi ko.
Tama naman kasi wala sa akin ang babaeng hinahanap niya, I'm no match to him and I will never be.

"Kahit noon mo pa alam na may gusto na ako sayo Kiely, hindi mo pa rin naman pinaniniwalaan yon"

"Lahat ng mga pinagsasabi mo noon hanggang ngayon pinaniwalaan ko William it's just that, I'm no match with you"

"You're my first love and I wanted you to be my last"

Umiling ako

"May mahal akong iba, Mahal ko Archer William I guess updated ka don hindi ba? Kasi alam mo lahat ng kinikilos ko"

"Yeah, I know. Kahit sabihin mong ayaw mo sakin, naiirita ka sa pagmumukha ko andito pa rin ako sayo kayang maghintay hanggang sa piliin mo ako"

Tinitigan ko siya ng maigi.
Seryoso ba itong lalaking to?

"I will never get tired of understanding you Kiely and I will never get tired on chasing you"

"I don't deserve your efforst, there will be a perfect girl for you William at hindi ako yon"

"Kung hindi ikaw yon, gagawin ko pa din ikaw yon, now I'm asking you to marry me"

Saka siya lumuhod sa harap ko at may hawak na isang Maliit na box ang kamay niya, Natampal ko ang sarili kong noo.

Paano ko ba mapipigilan ang lalaking ito na gustuhin ako.

"Feintrene Kiely Aurian, can you be my wife and live with me to the rest of our life"

Tsk, tsk, tsk, iba na talaga ang sapak ng utak nitong lalaking ito, kakasabi ko lang na may Mahal na ako heto at pinagpatuloy pa ang pagpropose ng kasal sa akin. Hindi naman siguro ako tanga para tanggapin ang alok niyang kasal.

"I'm sorry William Andhred Cullen but I can't marry a man with no Feelings at all. I don't love you and I won't marry you"

Tinalikuran ko na siya at tuluyan ng umakyat sa taas.

I'm sorry William but hindi ko talaga matatanggap ang alok mong kasal kahit pilitin pa ako ng buo kong pamilya kahit takutin pa nila ako.

My answer will always a NO.

Why Can't We Be? (Completed)Where stories live. Discover now