Chapter 49

26 14 0
                                    

'Feintrene Kiely POV'

(The last POV)

Habang naka tanaw sa labas ng sasakyan ay hindi ko mapigilang makaramdam ng pighati sa puso, Now this is the finale of my Lovestory. Finally I'm going to let him go. Sa Ilang buwan na paghahabol ni hindi man lang umepkto yung lahat ng ginawa ko.

"Hoy Ateng! sigurado ka na ba sa gagawin mo?"-

Nilingon ko si Jensen na nagsalita non, kasama ko silang tatlo papunta sa Airport, kahit sa huling sandali na makikita ko sila hindi nila sa akin ipinagkait.

"Oo, buong buo na talaga"-sagot ko dito

"Paano na ang pagmamahal mo kay Archer? Handa ka na bang bitawan siya tanggapin ang pagkatalo at kalimutan siya?"

Hindi ko nilingon si Valerie na nagtanong non dahil nasa labas uli ang aking tingin.

"Handa nako sa lahat"

"Talaga lang ha? Baka kasi pag pumunta ka sa Hongkong iiyak ka lang don ng iiyak at magmumukmok sa kwarto, paalala lang Kiely maraming magagandang lugar sa Hongkong"

Tuluyan ko ng nilingon si Livvy, ibang klase pag ito nagsalita kelangan mo talagang lingunin.

"Ba't ko naman gagawin yon, ang pinunta ko nga sa Hongkong ay ang hanapin ang sarili ko, hindi para alalahanin ang mapait na nangyari sa buhay ko."

"At naniniwala kang hindi mo yun magagawa? May gad Ateng Kiely! Kahit anong pilit mong hindi siya isipin maiisip at maiisip mo pa rin siya"

Tama nga naman si Livvy, hindi ko mapipigilan na maisip si Archer habang andon ako lalo na at mag isa akong lilipad papunta doon, ang isip ko maaaring mafocus sa kanya, pero pipilitin ko ang sariling limutin siya.

I'll start my new life there.

"Basta Kiely don't forget to call us every day, kung kelangan mo ng Kausap andito kami willing na Kumausap sayo."

Nginitian ko si Valerie sa sinabi niya.

"Ofcourse, tatawagan ko talaga kayo araw araw. Hindi magiging kompleto ang buhay ko kung wala kayo noh"

Umusog si Valerie papunta sa akin at niyakap niya ako ng patagilid.

"Alam mo naman siguro na hindi kami mabubuhay na hindi ka kasama Diba?"

Natawa ako sa sinabi ni Valerie at tinapik ang ang balikat nito.

"I need to do this, kinukonsensya niyo naman ako eh, baka sakaling magbago isip ko nito at hindi na ako tutuloy, ang Sabi pa naman ni Kiefy kapag sakaling uuwi daw ako dapat ikakasal nako"

"Exactly!! Ikakasal ka na nga"

Inismiran ko si Jensen

"Wag Kang baliw nagkaclosure na kami ni William"

"Bakit si William ba ang ikakasal sayo?"

"Stop it Jensen"-natatawa kong saad.

Mahal ko si Archer ngunit Tama na, sapat na Yong mga ginawa ko para ma prove sa kanya na totoo ako, sapat na yun lahat lahat ng sakripisyo ko para sa kanya, it now the time para eh let go siya, there's no turning back when the airplane fly. Napapikit ako sa paulit ulit na sakit na nararamdaman ko.

"We're here!"-sigaw ni Livvy.

Una akong bumaba, at malamig na hangin ang sumalubong sa akin, biglang pumatak ang aking mga luha.
Nangangatog ang aking mga tuhod hindi maihakbang papasok sa Airport, hanggang ngayon hindi ko pa rin kaya, kahit na paulit ulit ko ng pinag-isipan ngunit may parte pa din sa puso ko na hindi sang-ayon sa gagawin ko. Bawat paghakbang ko papasok sa Airport ay siyang pagpatak ng aking mga luha.

Hindi ko kaya

Sana-sana dumating si Archer at pigilan ako, hanggang dito siya parin ang iniisip ko at hanggang ngayon umaasa akong pipigilan niya.
Paglingon ko sa likod ko, nabigla ako dahil sa apat na maleta ang bitbit ng tatlo, dalawa kay Jensen, Tig isa naman kay Livvy at Valerie. Pinahid ko ang aking mga luha, sa pagkakaalala ko isang maleta lang ang dala ko.

Taka ko silang tiningan at nabigla ng sabay sabay nilang itinaas ang kanilang mga kamay na may hawak na Passport at malalaki ang mga ngiti, mas lalo akong naiyak.

They're really my true friends, hindi nila hahayaan na aalis akong mag-isa dahil willing na willing silang sumunod kahit hindi ko na sila inabalang tanungin kong sasama ba sila o hindi.

"What the--"

Patakbong lumapit si Livvy at Valerie sa akin at mahigpit nila akong niyakap.

"Hinding hindi namin hahayaang umalis ka mag-isa, Ang Plano ng isa ay gayong plano din ng lahat"-saad ni Valerie

"Except sa planong pagpapakasal, kasi ikaw mauuna"-dagdag ni Livvy

Na sabay namin Ikinatawa.

"Sali ako Ateng"-saad ni Jensen na yumakap din sa amin.

"Mahal na Mahal ko kayo"

"Mahal na Mahal ka din namin"-sabay sabay nilang sagot, ng Kumalas kami sa pagyayakapan muling nagsalita si Livvy.

"Kahit na may favoritism ka samin kasi mas super close kayo ni Valerie, Mahal pa rin kita"- tinawan ko si Livvy at sinapak siya

"Baliw! Wala akong favoritism sadyang Magaling lang mag advice si Valerie sa inyo, kayo kasi halos kalokohan"-pinahid ko ang aking Luha

"But guess what we're excited!!!"-sigaw ni Jensen.

"Ako rin, akala ko mag-isa akong lilipad, ganda ng surprised niyo"

"Tangik! Props lang to, meron pang mas the best dito!"-singhal ni Livvy sa akin

"What do you mean?"

"Kiely, sorry pero lahat kami ginawa din ang lahat lahat sa ikasasaya ng pwet mo"

Naguguluhan man ako si sinabi ni Valerie ay sinikap kong intindihin siya.

"Ang Mahal kaya ng passport tapos props lang pala sayang pera ko jusko"

Mas lalo akong nalito sa kanya.

"Kiely, Lumingon ka sa likod mo"-tinaasan ko ng kilay si Jensen sa sinabi niya at unti unting Lumingon sa likod ko.

Kusang huminto ang ikot ng mundo ko ng makita si Archer na nakatayo sa di kalayuan sa akin bitbit ang isang bugkos ng bulaklak. Unti unting nangilid ang aking mga luha sa mata.

Unti unti siyang humakbang sa akin papalapit at bawat paghakbang niya nag fa-flashback lahat ng memories namin sa unang pagkikita sa mga paglalanding ginawa ko sa mga araw na masayang masaya kami pareho, sa araw at gabi na iniyakan ko siya dahil sa hindi ko kayang eh let go siya at sa mga araw na habol ako ng habol. Kahit saktan mo ako ng pa ulit ulit ako na yata ang pinakatanga sa lahat dahil hindi ko kayang kalimutan ka at Alisin sa puso at isipan ko.

"Kiely"- mas lalo akong napahagulhol ng muling marinig ang boses niya na sambitin ang aking pangalan.

"I'm sorry"- Kita ko ang pagpatak ng kanyang mga Luha, nilingunan ko sila Demicco, Clark Spenser at Dim sa likod niya na may bitbit ngunit hindi ko makita kung ano ito.

Ibinigay niya sa akin ang bulaklak na mas lalong nagpaiyak sa akin, parang kahapon lang ako Yong nagbigay ng bulaklak. Tinitigan ko siya at walang alinlangang niyakap ng mahigpit.

"I love you"

Salitang hinding hindi ko pagsasawaang sambitin ng paulit ulit sa kanya.

Why Can't We Be? (Completed)Where stories live. Discover now