Chapter 48

27 15 0
                                    

'Feintrene Kiely POV'

Sa lahat ng natutunan ko sa buhay, ang pinaka the best ay yung maghabol ng isang tao, never in my entire life na manghabol ng isang tao, kasi parati kung nararamdan ang hinahabol, hinahangad at pinapangarap ng karamahin, ni minsan hindi ko na-isip na magagawa mo ito, kaya ang manghabol ng isang tao ay napaka the best na natutunan ko sa buhay ko. Dito ko naintindihan at naunawaan na parte ng buhay ng isang tao ang manghabol kasi ito yong napaka exciting na parte ng buhay. Mapababae man o lalaki kelangan talagang manghabol lalo na't Mahal mo ang isang tao.

Sa Ilang araw kong pinag-isipan at iniyakan si Archer, andon pa din yung nararamdaman ko sa kanya.

"Thank You Kiely, for everything"

Kaharap ko si William ngayon at andito kami sa loob ng kwarto ko. Gusto niya akong makita kahit sa huling pagkakataon Lang daw.

"Thank You too, kasi sa lahat ng oras na nangangailangan ako andyan ka handang tumulong para sa akin. Thank You for being true to yourself into me."

Hinawakan niya ang kamay ko at muling ngumiti sa akin.

"Tanggap ko na, na hanggang kaibigan lang tayo Kiely"

Kunot noo ko siyang tiningnan. Ano na naman kaya ang gusto niyang ipahiwatig, pati ba naman siya susuko na?

"Kahit sabihin mo pang handa ka ng buksan ang puso mo, ngunit ito"-tinuro niya ang puso ko na sinundan ko naman ng tingin "Hanggang ngayon siya pa rin ang laman ng puso nito at kelanman hindi ko mapapalitan Yan"

Hinaplos niya ang aking pisngi, unti unting nangilid ang aking mga luha.

"I already accepted na hinding hindi ko mapapantayan ang pagmamahal mo kay Archer."

"Susukuan mo din ba ako?"

Umiling siya at pinahid ang aking Luha.

"Hindi kita sinusukuan pinapalaya na kita Kiely sa kahibangan ko"

Hinawakan ko ang pisngi niya at muling naluha. Hindi ko lubos maisip na ambobo ko noon pa man dahil hindi ko binigyan ng pansin ang mga taong may gusto sa akin at mas deserve ako ng mas higit pa kay Archer, but I can't blame myself dahil totoong minahal ko talaga si Archer.

"Thank You for being in my side in my darkest days, hindi ko man masuklian ang nararamdaman mo but believe me I tried to"-inilagay niya ang kanyang daliri sa aking labi upang huminto sa pagsasalita.

"No matter what happens, you will forever remain here in my heart and forever have a space in my heart Kiely, hinding hindi kita malilimutan unang babaeng minahal ko"

Niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit gayon din ang ginawa niya.

"Until we meet again Kiely"

Isinubsob ko lalo ang mukha sa Dibdib Niya, kung nasasaktan ako dahil sa naaawa ako kay William alam kong mas lalo siyang nasasaktan ngayon, sobrang hirap magparaya at bumitaw sa taong Mahal mo.

"Thank You for being the best experience and the best memory that I ever had into my life."

Wala akong magawa kundi ang maawa sa kanya, wala eh! Bobo ako hindi ko makita ang worth ni William.

"For the last time Kiely, I love you"

Tulala ako hanggang sa makaalis na si William at sumunod na naman ang aking mga kapatid.

"Feintrene sigurado ka nabang uunahan mo na akong Lumipad papuntang Hongkong?"

Bigla ay napabuntong hininga ako, Tama na ang pagpapakatanga sa isang lalaki I need to find myself and love myself first before others. Kelangan ko ng break at pahinga sa mga nangyari sa buhay ko.

"Ate, kahit naman sino sating tatlo gagawin din ito. I need to have my new life, doon na siguro ako magtatapos sa last year ng college ko"

"So, talo ka talaga"

Bigla ay sabay kaming tatlo ni Ate at Kuya na napalingon sa kakapasok lang na si Kiefy.

"Ginagawa mo naman dito!"-taray kong saad, sa mga nagdaang buwan hindi na kami masyadong nag-aaway ni Kiefy, siya na mismo nag u-udjust sa ugali ko at malaki ang pasasalamat ko dito.

"Siblings open forum dzuh. Wagka maarte sister, parang kelan Lang eh andaming tissue na nagkalat dito, mas malala ako pa pinalinis ni Dad, sarap ng buhay mo"

Imbis na taasan ko siya ng kilay nginitian ko naman siya, kung may mga bagay man na hindi kami nagkakaunawaan may mga bagay naman na nagkakaunawaan kami, the cycle of life.

Tumayo ako at niyakap siya.

"I will miss you, brother"

Brother at sister tawagan namin pag nasa mood, ate naman kay Ate Feintres Kiezy at Kuya naman kay Kuya Kielxy.

Naramdaman ko ang paghaplos niya sa aking buhok.

"Sa wakas at wala na akong ka competensya sa mga gala dito sa pinas"-kinurot ko ang tagiliran niya na siyang ikinaangal Naman niya agad.

"Joke nga lang eh Basta! Pag uwi mo dito dapat ikakasal kana, di ka namin tatanggapin muli Kung uuwi Kang hindi ikakasal"

Naguguluhan man ay hinampas ko na naman siya.

"Wag kang baliw brader!, Ang Sabi mo You'll make sure na babalikan ako ni Archer? Asan na yun?"

Hinigpitan niya ang yakap sa akin.

"Once I said it I mean it. Just wait and see"

Naguguluhan man ay hindi ko na lang ito pinansin. Archer was already happy with Cathalia kaya malabong mangyari pa ang sinasabi ng kapatid kung baliw.

"We'll gonna miss our little Bunso"

Saad ni Ate at lumapit sa aming dalawa na magkayakap, yumakap din ito sa aming dalawa.

"Find yourself Kiely, ayusin mo muna ang puso mo at kapag ayos kana saka kana muling bumalik dito sa Pilipinas, comeback when you're ready"-aniya ni ate.

"Kahit na ikaw yong napakamatigas na ulo sa bahay nato, kahit na sobrang inis na inis ako sa lahat ng mga kalokohan mo sa buhay hindi ko kayang magtanim ng galit sayo Feintrene, kasi ikaw yong pinakamamahal naming kapatid."

Saad ni Kuya Kielxy na nakatingin lang sa aming magkakayakap.

"Kahit na sobrang busy naming lahat pero wag na wag mong kakalimutan na Mahal na Mahal ka namin. Hindi ka man lumaki na Kasama ang ina natin, andito naman kami handang intindihin ang mga kabalustugang ginawa mo sa buhay mo"

"Kuya, Siblings forum nga diba wag kj lika na Dito baka masapak ka ni ate"-naiiritang saad ni Kiefy

Natatawang yumakap din SI kuya sa aming tatlo.

"Once na umalis ka sa bansang ito handa ka ng eh let go si Archer at handa ka ng kalimutan siya."

Kahit na nagdadalawang isip ako hanggang ngayon, ngunit buo na ang disisyon kong aalis ng bansa at muling hahanapin ang aking sarili.

"Mahal na Mahal ko kayo, kahit na napakapasaway kong kapatid inintindi niyo ko ng higit sa inaasahan ko"-naluluha kong saad.

"Kahit ano ka pa at kahit hindi ka na namin maintindihan iniintindi ka namin, dahil ayokong ma feel mo ang lungkot simula ng mawala ang Mommy mo"

Bigla akong napahiwalay sa pagkakayakap sa aking mga Kapatid at nilingon si Dad na nagsalita non.

"Mahal na Mahal ka namin Kiely, at handa kaming intindihin ka sa abot ng aming makakaya. Go find yourself and be right back. Mahal na Mahal ka ni Daddy"

Muli kong niyakap ng mahigpit si Dad at doon napahagulhol ng iyak.
Lumapit ang tatlo sa amin at muli kaming nagyakapan muli.

This family was the best family in the earth broken family man kami ngunit masaya ako at kontento na sa kanila.

Why Can't We Be? (Completed)Where stories live. Discover now