CHAPTER 9

1K 164 124
                                    

The weeks passed quickly, and soon enough December arrived. Ang sabi ni Mama ay baka pumunta siya rito sa Guimaras para sa Pasko pero sa tingin ko ay malabong matuloy siya. Mas maliwanag pa sa sikat ng araw na ayaw sa kaniya ni Lolo.

Isang beses sa isang buwan kung makatawag at makapangamusta si Mama. There were times when she wanted to talk to the old man, wanting to say hi but he only grunted or said he's busy. I got the hint and did my best to make excuses for him. He and I have developed a certain kind of friendship though.

Nakakapag-usap na kami nang maayos at nakakapagkuwentuhan din kahit wala si Lena. Hindi lang din tungkol sa plantasyon ang napag-uusapan namin. Minsan ay nagku-kuwento rin siya tungkol kay Papa nang maliit pa ito. Wala akong maraming ala-ala kay Papa at kahit nagku-kuwento naman si Mama minsan, iba pa rin ang mga ala-ala na galing kay Lolo.

Kaya naman, mas lalong hindi ko maiwasan ang malungkot na hindi pinagbigyan ni Papa si Lolo na tulungan siyang pangasiwaan ang plantasyon.

🌿

"Renz." Ngumuso si Aimee sa pintuan ng classroom kung saan nakatayo si Lena. Wala pa naman ang teacher namin kaya ayos lang pero hindi ko alam kung bakit niya ako pinuntahan.

I didn't tell her that what she felt that night was jealousy. She clearly didn't recognize what she felt and I didn't want to be the one to brush away her innocence. She'll know soon enough. Maybe Goldie had even told her already.

"Lena?" Lumapit ako at tinanong siya kung bakit siya narito.

"Renz, sabi ni Goldie malapit na ang sayawan."

"Huh?" Napaisip ako at napagtanto ang tinutukoy niya.

"Sa February pa ang JS Prom, Lena," I explained.

"Oo nga. Pero, baka kasi... baka may mag-aya na sa'yo. Kaya, sabi ni Goldie... uhm, sabi niya dapat sabihin ko na sa'yo. Puwede ba na tayo ang magka-date sa prom, Renz?" Her earnestness staggered me.

"Lena, dapat si Renz ang mag-aya sa'yo. Ang lalaki dapat ang mag-aya sa babae." I only realized my classmates were listening when Aimee said that. I turned around to face her and saw the girls were whispering with each other. Moira and Chryssie were glaring at Lena while the boys were smirking at me. Henry didn't look very happy though.

"Ha? Bakit... bakit naman hindi puwede? Masama ba 'yon?" Tumingin sa'kin si Lena, hindi maintindihan ang sabi ni Aimee.

"Dapat si Renz and mag-aya sa'yo. Hindi 'yong ikaw na nga ang babae tapos ikaw pa 'yong—" I stopped Aimee before she finished but it was too late. It had dawned on Lena that what she did wasn't exactly right or proper. She looked at me, her eyes brimming with tears of humiliation and wordlessly turned to go.

Huminga ako nang malalim at hindi na siya nakuhang sundan dahil dumating na ang guro namin.

"Hindi mo na siya dapat pinahiya, Aimee." Lumapit na rin pala si Henry.

"Henry, hindi intensyon ni Aimee na ipahiya si Lena. Sinasabihan niya lang naman. At saka, tama naman ang sinabi ni Aimee sa kaniya ah," pagtatanggol ni Anita sa kaibigan. Sa sinadya niya man o hindi, gano'n din ang nangyari sa huli; napahiya si Lena sa harap ng mga kaibigan at kaklase ko.

🌿

"Goldie, si Lena? Tapos na siyang kumain?"

Medyo huli kaming pinalabas para mag-lunch kaya nagmadali ako pero hindi ko naabutan si Lena sa canteen.

"Ay ano, kuwan kasi... sabi niya wala siyang gana kumain," nagaatubiling sagot niya sa'kin.

"Nasaan siya?"

"Kasi Renz... Pagpasensyahan mo na si Lena. Hindi siya... hindi siya tulad ni... ng mga kaklase mo. 'Wag ka sanang magalit sa kaibigan ko." She grimaced and looked apologetically at me.

"Goldie, hindi ako galit. Nasaan si Lena?"

"Sa tingin ko, mas gusto niya na mapag-isa sa ngayon, Renz."

"Goldie, please, sabihin mo sa'kin kung nasaan siya."

Sa huli ay hindi rin siya nakatiis at umamin din. I should not have to ask her anyway. I should have known where Lena would be.

"Lena? Dapat kumain ka muna. Baka sumakit ang tiyan mo."

She was sitting on the fire exit of the library building. Nakabukas ang bag sa harap niya at may pad paper na nakapatong sa kandungan niya. Hindi siya sumagot pero kinuha niya ang unang pahina sa pad kung saan may nakasulat. Inabot niya 'yon sa'kin at hinintay na basahin ko sa harap niya.

Renz,

Sorry kung idinaan ko 'to sa isang sulat. Ang sabi kasi ni Goldie, dapat daw ay ipaalam ko na sa'yo ang nararamdaman ko habang wala ka pang bagong girlfriend.

Gusto kita. Gusto talaga kita, Renz. Simula pa nang unang dating mo rito sa Guimaras. Puwede ba kitang maging boyfriend?

Lena

I couldn't concentrate in class afterwards, even when I knew I had to. After all, I have to do very well if I want to get in to a good school for college. But I couldn't help worrying if Lena's alright.

🌿

"Wow ha, hindi pa siya nakuntento na inaya ka niya sa prom, talagang nagbigay pa ng love letter?"

Naglalakad na kami ni Aimee sa labas ng school nang namataan namin si Lena na nag-aabang sa'kin sa gilid ng waiting shed. Tumingin ako kay Aimee sabay pasok ng kamay ko sa bulsa ng pantalon ko kahit alam ko na wala na roon ang sulat ni Lena. Nahulog siguro kanina na hindi ko napapansin at nakuha ni Aimee.

"Hindi ba pinagsabihan na kita, Lena? Hindi ka ba nakikinig? Maghintay ka dapat na ang lalaki ang mag-aya sa'yo! HINDI 'YONG NAGLALANDI KA!"

Bago pa ako makasagot sa sinabi ni Aimee sa kaniya ay tumakbo na si Lena palayo.

Nilingon ko si Aimee na napagtanto na rin kung gaano ako kagalit sa ginawa niya kay Lena. She silently crumpled the piece of paper and threw it on the ground. I picked it up carefully, exhaling harshly. I could feel the other students looking at us, some girls were even tittering.

"I'm so disappointed in you, Aimee," I told her in a low voice then turned to follow Lena, but she was already gone.

Unlike Any OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon