CHAPTER 40

937 44 41
                                    

Cosette Divinagracia's POV

Hindi naging madali pero napaniwala ko rin si Bernard na hindi ko na siya mahal. Malaking tulong na dati pang malaki ang selos niya sa lalaki na sa totoo lang ay matalik ko lang naman na kaibigan.

Hindi na importante 'yon. Ang mahalaga ay nangyari ang mga bagay ayun sa plano ko. Hindi niya maaring malaman na pinagbu-buntis ko ang anak namin dahil siguradong pipilitin niya akong magpakasal sa kaniya.

Mahal ko si Bernard pero hindi ko pinangarap na maging mahirap at maging asawa ng mahirap. I am not going to apologize for thinking this way. Lalo na at baka atakihin sa puso si Mama kapag nalaman niya.

"Cosette? Ano'ng ginagawa mo rito? Maaga pa ah."

Alam ko ang iskedyul ng mga biyahe ni Lorenz kaya alam ko rin kung anong araw at oras ko siya puwedeng puntahan sa apartment niya.

"Good morning."

"Teka, akala ko ba ay kahapon ang biyahe mo dapat pauwi ng Iloilo? Hindi ba Christmas vacation 'nyo na?"

Bakas sa mukha niya ang pagtataka nang tuluyan niya akong pinapasok.

"Mahabang kuwento, Lorenz. May pagkain ka ba? Hindi pa ako nag-aagahan."

Nagsaing muna siya at ininit ang ulam na mukhang kagabi pa pero hindi na rin ako nagreklamo.

Nang natapos ako sa pag kain ay wala na akong maidadahilan.

"Cosette? Mayroon kang hindi sinasabi. May problema ba? Naghiwalay ba kayo ni Bernard? Upakan ko na ba?"

Tumatawa si Lorenz habang sinasabi niya ang mga katagang 'yon pero alam ko na hindi siya nagbibiro. Parang kapatid na ang turingan namin kaya alam ko na kung may problema man ako, handa siyang tumulong.

"Lorenz... may gusto sana akong hingin na malaking pabor."

🌿

"Alam ko na hindi ka sang-ayon sa akin, pero pakiusap, suportahan mo na lang ako. Ito ang desisyon ko at kailangan kita."

Nagalit nga si Lorenz sa'kin tulad ng inaasahan ko nang sinabi ko sa kaniya ang plano ko pero pumayag siya na samahan ako.

"Ang sa akin lang naman, Cosette, delikado itong plano mo. Paano kung hindi pala totoong doktor ito? Paano kung may mangyaring masama sa'yo?"

"Lorenz, kapag hindi ako nakapagtapos ng kolehiyo dahil buntis ako, at ang tatay pa ng anak ko ay pobre din gaya ko, ano sa tingin mo ang gagawin ni Mama?"

Pareho naming inikot ang aming paningin sa loob ng gusali kung nasaan kami. Puti ang kulay ng naka-tiles na dingding pati na rin ang sahig; parang karaniwang ospital lang.

Ngunit ang bulong sa akin ng isang kaklase ko dati na nakapunta na rito ay totoong marunong nga ang doktor dito.

Alam ko na malaking kasalanan ang gagawin ko. Hindi ko rin kailanman naisip na hahantong sa ganito pero... hindi ko na alam ang gagawin ko.

Pinagpapawisan ako nang malamig at maging si Lorenz ay mukhang masusuka. Mas matindi ito sa inaasahan namin.

Ilang sandali pa ang lumipas at may narinig na kaming babaeng sumisigaw. Natakot ako bigla at sa isang iglap ay naisip ko kaagad ang maaring nangyayari sa kaniya— ang ginagawa sa kaniya ng doktor na titingin din sa'kin pagkatapos ng naturang pasiyente.

"Cosette..."

"Iuwi mo na 'ko, Lorenz. Hindi yata kaya ng sikmura ko."

🌿

Galit ako sa sarili ko nang nakarating na kami sa apartment ni Lorenz. Dahil hindi natuloy ang pagpa-palaglag ko ay balik na naman ako sa umpisa.

"Nagsisisi ka ba na hindi mo itinuloy ang balak mo?" tanong niya sa'kin.

Huminga ako ng malalim at nag-isip muna bago siya sagutin dahil ayokong magpadalos-dalos sa aking mga salita.

"Hindi. Desperado ako pero takot rin ako sa Diyos, Lorenz. Pero... pero..."

Hindi na ako nakapagsalita dahil tuluyan na akong umiyak. Hindi ko matanto ang sasabihin dahil hindi ko rin alam kung ano pa ang maari kong gawin.

Dali-dali siyang lumapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Alam niya kung ano ang situwasyon ng pamilya ko dahil bukas kami sa isa't isa.

Wala akong ibang pinagkatiwalaang sabihan na buntis ako maliban sa kaniya.

Ang totoo, kahit kay Lorenz ay hindi ko nasabi ang ugat ng dahilan kung bakit nagpasya ako na ipalaglag ang anak ko. Natatakot ako na kapag nalaman ni Mama ang lahat, baka ang sarili kong ina mismo ang magpasya para sa'kin na ipahulog ang bata. Mas lalong hindi ko yata kaya 'yon.

"Gagawan natin ng paraan. Hindi ka nag-iisa at hindi kayo mag-iisa ng anak mo, Cosette," bulong ng matalik kong kaibigan.

Unlike Any OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon