CHAPTER 28

983 64 75
                                    

I was thankful that Renz and Nong Nick ended up drinking a lot of beer so after a couple of hours, Nang Marjorie and I decided to head back to the mansion ahead of them. Ito pa ang inaalala ko kanina pa eh. Paano siya matutulog sa ibang kuwarto kung ang sabi niya ay mag-asawa kami?

Mabilis akong naligo at nahiga na sa kama, nagdadasal na sana ay mamaya na sila matapos, kapag tulog na ako.

Surprisingly, it was already half-past ten when I woke up. The window was open and the morning sunshine streamed in while the ocean breeze filled the room. Matagal bago ako nakatulog  kagabi pero hindi ko pa rin naabutan ang pagpasok ni Renz sa kuwarto.

Tiningan ko ang bag niya na nasa loob pa rin naman ng silid kaya malabo na sa ibang kuwarto siya tumuloy. So... tinabihan ba niya ako?

Pagkatapos ayusin ang sarili ay bumaba na ako sa kusina pero wala roon ang mag-asawa.

"Good morning. Kumain na tayo."

Si Renz lang ang naroon. Inilahad niya sa'kin ang dining table kung saan may nakalagay na mga pinggan. He removed the lids of the covered dishes and I immediately salivated because they were my favorite: chorizo na pinigaan ng kalamansi. Meron ding itlog na pula at mainit na tsokolate.

"Nasaan nga pala sina Nong Nick?" I asked as we both sat down.

"Nagpaalam kung puwede raw ba na mag-day off sila. Simula raw nang nakaraang taon ay hindi pa sila nakakauwi dahil walang maiiwan sa isla ng mga Gaitan."

Nakapagtataka naman na bigla na lang nila kaming iiwan ni Renz. I mean, I don't really mind but I can't believe they'd trust us this much.

He only shrugged but I knew without asking that somehow, he got them to leave us alone. Kayang-kaya ni Renz kunin ang kung anong gusto niya.

We spent the rest of the morning and half of the afternoon lounging on the veranda— the one that faced the sea. I lay on a beach chair with a book (Wuthering Heights) while Renz lay on another one and although the dark pair of Ray Ban he wore covered his eyes, I knew they were closed.

I read a few pages but couldn't quite concentrate because he was wearing a black low-waist swim trunk shorts as he's planning on hitting the beach later.

Goodness, Lena, punasan mo 'yang laway mo.

Kung tutuosin, hindi na bago sa'kin 'to dahil na-expose naman ako sa mga European men pero... si Renz 'to eh.

Dahil late na kami nagbreakfast, ay hapon na nang kumain kami ulit.

"Ako na maghahanda," I offered, when he started to stand up.

"Okay, babe. If you really want to."

It wasn't anything fancy of course, just shrimp gambas. Gusto ko pa sana mag-bake pero walang masyadong supply sa kusina kahit namili na kami nang nagdaang araw ni Nong Nick sa bayan.

Sa picnic table kami ulit kumain. Hinila 'yon ni Renz sa ilalim ng isang malaking talisay at pagkatapos kumain ay nakatulog ako sa isang duyan sa lilim ng isang punong mangga.

I woke up and realized the sun is setting already. I waved to Renz who was already in the water and I shook my head to stop him when he moved to approach me.

Dali-dali akong bumalik sa mansyon; naghilamos at nagbihis ng pampaligo— nothing too daring of course. It was a white knotted-front swim crop top with ruffles on the short sleeves partnered with a white string bikini. Valerie had wrinkled her nose when I bought it and told me it was too modest. She even used a Tagalog phrase which she rarely did. She told me it was "pang manang".

Unlike Any OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon