CHAPTER 34

933 61 65
                                    

"Magpinsan ba kayo ni Renz, Lena?"

Muntik na akong masamid sa iniinom na tubig sa tanong ni Moira. Pumasok pala siya sa kusina habang naghahanda ako ng meryenda ni Renz— hot chocolate and malunggay pandesal which I had baked earlier. Tumawa siya nang mariin nang umubo ako.

Maganda pa rin si Moira. Sa totoo lang, mas lalong lumitaw ang ganda niya dahil mahilig siyang maglagay ng makeup.

Tulad ngayon. Hindi naman siya umaalis dahil dito lang sila nagte-therapy ni Renz sa bahay pero kumpleto mula foundation hanggang false eyelashes. Maganda rin ang pagkatirintas niya sa mahabang buhok niya. I also noticed that the clothes she wore are rather too fitted and showed too much skin. Halatang inaakit si Renz...

"I mean, you have always seemed to be a part of the Peñalver household, right? But, are you really a member of the family? Hindi 'di ba?" Ngumiti siya na parang nang-aasar talaga. Naalala ko tuloy kung gaano siya ka nakakainis kahit noong highschool pa lang kami.

"As a matter of fact, his mother invited me to take an extended stay here, Moira."

Hindi mo na ako masu-supladahan tulad nang dati, Moira. Natuto rin akong ipagtanggol ang sarili ko.

"Sure. Pero, I've heard Renz tell you a lot of times that he does not want you here. Kaya... nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon, nandito ka pa rin."

I can't believe it. It's like I was back in high school again.

She took the tray I had prepared and was beginning to walk out of the kitchen when I blocked her.

"Bata pa lang ako, siya na ang pangarap ko, Moira." I did not look at her as I spoke those words. Kinahihiya ko ang katotohanan na 'yon kahit hindi alam ni Moira kung bakit.

Natigilan ang babaeng kausap ko sa mga sinabi ko. Maybe she did not expect another unmaidenly confession from me after all these years?

Umirap siya at umismid sa akin, "Wala kang karapatan na-"

"Na ano, Moira? Na tingnan siya? Na alagaan siya?" I smiled bitterly as I faced her directly this time.

"High school pa lamang ay mahal ko na si Renz. Hindi ka pa niya nakikilala sa school ay sinabi ko na sa sarili ko na balang-araw ay mamahalin niya rin ako. Pareho lang naman tayong hindi niya girlfriend ngayon, 'di ba? Kaya... ano ang karapatan mo na sabihin sa'kin na umalis dito?"

I could see her seething and growing even more furious by the moment and yet her surprise hindered her from giving a cutting reply to what I just said.

"Kapag asawa ka na niya o nobya, Moira, puwede mo na akong palayasin dito. Until then, keep your opinions to yourself."

I walked away from her as soon as I finished speaking. It was a good exit I know. But the truth was that I just did not want her to see me cry.

🌿

Iniwasan ko na lang silang dalawa pagkatapos ng pangyayaring 'yon. Naiinis man ako sa kaniya, masasabi ko na magaling na therapist si Moira. Hindi lang dahil sa kaalaman niya kundi dahil na rin napapangiti niya si Renz. Isang bagay na hindi ko pa nagagawa mula nang umuwi kami ng Guimaras galing Cebu.

Mapilit rin si Moira na pumasyal sila ni Renz kaya minsan, pinagmamaneho siya ni Moira at pumupunta sila sa plaza. Kumakain rin sila minsan ng batchoy (Ilonggo noodle soup) sa banwa. Isang beses nga, pumayag pa siyang dumalaw sa bahay ng babaeng 'yon.

Nainggit ako na ni minsan hindi namin nagawa ni Renz ang mga bagay na 'yon. Puro mga masasakit lang ang mga alaala namin o di kaya ay puno ng kasalanan.

Unlike Any OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon