Chapter 8

1.5K 44 2
                                    

Bumalik na ako sa unit ko matapos kong ihatid si Philip sa car park, tumaas na ako sa unit namin at nandoon parin sila sa sofa na nanonood at umiinom. Umupo ulit ako sa tabi nila pagkasarado ko ng pinto. Nag-salin si Elle ng Imperial Blue sa isang shot glass at inabot sa akin, kinuha ko naman agad iyon at ininom.


"Oh, anong ginawa niyo?" Sophia asked.


"Wala, nag-kwento lang siya sa'kin." I poured the liquor in the glass again.


"Alam mo girl, pansin na pansin kong gusto na gusto ka ni Philip. 'Di nga lang ata gusto eh mahal ka na ata!" Sophia teased.


"Satrue sissy, 'wag mo na talaga papakawalan 'yan ah." Azrielle said.


Duh, ba't ko papakawalan? Philip is more than special to me, sobrang ma-effort niya sa akin. From Katipunan to Taft siya araw araw, makasama lang ako. Sobrang nakakapagod rin 'yun dahil pabalik balik siya araw araw, minsan traffic pa.


"Nagkagusto na ba kayo kay Philip?" Tanong ko sa kanila, bago sila malakas na tumawa.


"Hindi ah, what the hell!" Sabi ni Sophia habang tumatawa.


"True, we're just friends! At saka we must admit he's pogi, pero may type kami sa ibang school, sa UP! Kaya nga sayang dahil 'di tayo natuloy doon daming pogi eh." Azrielle exclaimed.


Ito talagang mga 'to, puro gwapo ang nais. Pero kahit ako din naman, basta may magandang ugali, mapa-mahirap man o mayaman. Ugali ang pinakamahalaga.


Uminom pa kami ng kaunting shots, bago natulog. Sobrang stressful ng linggong 'to dahil puro exam at thesis, first year palang 'to ah! Paano na kaya kung second, third, and fourth. Dios mio.


Pero kahit busy, tina-tiyaga talaga ni Philip ang pag-punta sa La Salle o kaya sa condo namin. Pero ni minsan never pa ako nakarating sa condo niya hmm, ano kaya itsura no'n?


"May dadaanan muna tayo ah." Sabi ni Philip habang nagmamaneho.


"Saan?" Tanong ko.


"Susunduin ko kapatid ko." He said.


Ah, so may kapatid pala siya. Ang bongga naman no'n! Feeling ko ang cute ng kapatid niya, parang mini sized Philip lang.


Dumaan kami sa isang private school, maraming bata doon ang nagtatakbuhan. Para siyang elementary to senior high school. Bumaba si Philip at sinenyasan akong dumito lang sa loob ng kotse, nanatili lang ako dito at nakita ko si Philip na may hawak hawak nang bata na may bitbit na batman na backpack. Ang cute.


Binuksan ni Philip ang backseat, at inupo doon ang kapatid niya. Nang isarado niya 'yun, lumingon ako sa likod para kausapin 'yung bata.


"Hello!" I greeted which made the kid startle.


The Sunset In Paradise (Seduction Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon