Chapter 23

1.3K 36 5
                                    

Nagising ako at nakitang wala si Philip sa tabi ko. Tumayo ako at pumunta ng cr, para mag-hilamos at ayos bago bumaba. At doon nakita ko si Philip na nagluluto, wala nanaman sila mommy at daddy. Nandoon si Nica sa may sofa, at nanonood ng tv.


Tinignan ako ni Philip, at binalik ang tingin sa niluluto niya.


"Morning, honey." He said.


"Morning." I kissed his cheek, at bahagyang namula ang mukha niya. 'Di niya siguro inaakalang gagawin ko 'yun sa kanya pero sorry. Nagawa ko na.


"Ate!" Nica hugged.


"Morning, Nics. Si Lucas?" I asked.


"Umalis po siya ate, may pupuntahan daw siyang date. Hindi ko alam kung sino kasama niya." Sabi ni Nica.


Tumango nalang ako, at tinext si Elle.


Me:

Hey Elle, punta ako sa condo niyo mamaya ah! Inom tayo nila Pia, and sama ko na rin si Phil and Lucas.


Nagreply siya kaagad.


Azrielle:

Wala nga si Pia dito, may pinuntahan daw na date. Ewan ko ba, 'di ko alam na may kalandian na pala siya.


Kumunot ang noo ko, at bahagyang ngumisi. 'Di kaya, si Lucas ang date niya?


Me:

Oh, ganun? Si Lucas din eh umalis kaagad dito sa bahay, 'di kaya si Pia date niya?


Natawa ako sa sarili kong text.


Azrielle:

Ay, jusko mamshie! Haha! Napaghahalata na nga rin. Sige, itext ko. Kapag sabay sila ni Lucas mamaya dumating alam na!


Tumawa ako at tumingin kay Phil, na naghahanda na ng mga plato para kumain kami nila Nica. Nag-insist pa ang helper namin, ngunit sabi ni Philip ay kaya niya na raw. Dumaan sa gilid ko si Manang Rose, at may binulong.


"Naku, kanina pa 'yan! Gusto daw niyang paghandaan ka, 'wag mo nang pakawalan 'yan ah!" Tumawa si Manang Rose, at dumiretso na doon sa coffee table para mag-dust.


Lumapit ako sa dining table para maka-kain na kami ng breakfast. Sumunod sa'kin si Nica, at umupo sa harap ko habang si Philip naman, ay katabi ko.


"You cooked, huh?" I teased him with a smirk.


"Oh come on, gusto ko lang pagsilbihan ang mahal ko." Sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.


"Ano ba 'yan! Nakakawalang gana naman!" Pang-aasar ni Nica, at tumawa.


"Sira." I laughed, and ate breakfast.


The Sunset In Paradise (Seduction Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon