Third Eye

150 92 18
                                    

Since I was young I can see a ghost. Different kind of ghost. Sometimes a little girl that wanted to play. I also encountered a woman who's pleading me to take a revenge for her and so on.

I was scared. Believe me it's really creepy. I can't sleep at night.

That's why I'm always with my mom's side.

Nang lumaki ako bibihira nalang ako makakita ng multo.

Kung alam ko lang talaga kung papaano mapasara ang third eye na 'to ginawa ko na.

I'm glad that I'm living normal now. Madalang nalang talaga ako makakita ng multo. That's why humiwalay na 'ko kala mama.

I'm on my way to our school when someone grab my arms.

I was shocked and immediately face him.

"Bakit po?" Nagtataka kong tanong sa mamang may edad na.

"Tulungan mo ang apo ko. Tulungan mo siya." He pleaded. Naawa ako sa kanya.

"Sige po, ano po bang problema? Nasaan po ba ang apo niyo?" Tanong ko dito.

"Nandoon siya sa paaralan na 'yun. Sinasaktan siya iha." Pagkasabi niya 'yun tinignan ko ang school namin.

"Ano po bang pangalan ng apo niyo at papaano ko po siya makikilala?" The old man gave me a picture.

Tinignan ko 'to. Ang gandang babae. Mahaba ang buhok at singkit. Mukha siyang anghel.

"Avia ang pangalan niya iha."

"Sige po, I'll help her."  Saad ko saka 'to nginitian.

"Salamat Cally." Tumango ako dito at umalis na.

Teka...paano niya nalaman ang pangalan ko?

Humarap ako dito para itanong sana kung bakit niya 'ko kilala.

"Teka---" pero wala na siya.

--------------------

"Ayan ang bagay sa'yo! Basura HAHAHAHA."

"Tutal dapat sa'yo tinatapon!"

Dinig kong sigawan ng nasa loob ng cr.

Papunta sana ako dito para mag-ayos ng sarili.

Bully tsk.

"Hey! What do you think you are doing huh?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

Nakita ko ang babaeng nakaupo at puno ng basura. Dinig ko ang hikbi niya pero hindi ko nakikita ang mukha niya dahil sa nakaharang niyang mahabang buhok.

"Napakapakealamera mo ano?" Saad sa'kin nung isang babae.

"Let's go na nga. Hayaan mo yang dalawang basura na 'yan." Then they left.

Lumapit ako sa babaeng umiiyak pagkatapos hinawakan ito.

"Shhh tahan na."

Pag-angat niya ng tingin.

Napaatras ako hindi dahil sa napagalaman kong siya 'yung apo nung matanda kung hindi dahil sa puro siya dugo.

Tumutulo at nanlalaki ang mata nito.

Nakakatakot.

"Ngayon awang-awa ka?! HAHAHA ikaw ang may kagagawan nito!" Saka siya tumawa ng demonyo. Nagecho ito sa buong paligid.

Multo siya, isa siyang multo!

"A-ako?"

"Hindi mo na ba natatandaan? Humingi ako ng tulong sa'yo noon!"

Kailan?

"Sinasaktan nila 'ko nakita 'yun ng dalawang mata mo pero wala kang ginawa! Namatay ako sa pananakit nila pero hindi mo sinabi ang alam mo."

"Nabigyan sana 'ko ng hustisya! Buhay pa sana ako at inaalagaan ang lolo kong nagkasakit na ngayon wala narin dahil hindi niya nakayanan!"

"Dahil sayo! Dahil sayo kaya ako namatay!" Lumapit siya sa'kin.

Nanginig ang buo kong katawan at naiiyak. Napahiga 'ko sa sahig saka niya 'ko sinakal.

"Mamatay kadin! Mamamatay ka!" Unti-unti akong niyayapos ng hininga.

"Bitiwan mo ko!" Hanggang sa nawalan na 'ko ng hininga.

"GISING HUY!" dinig kong tawag ng kung sino.

Ang kasama ko lang pala dito sa dorm. Her name is Myrna.

Panaginip lang pala 'yun.

"Binabangungot ka nanaman."

"Sorry, ang sama ng panaginip na 'yun." Saad ko saka napahawak sa leeg ko.

"Bakit? Ano ba napanaginipan mo?"

"Mayroong babae, Avia ang pangalan. Ako ang sinisisi niya sa pagkamatay niya." Napalayo naman siya sa'kin pagkatapos ko sabihin 'yun.

"Cally, nagpakita sa'yo si Avia?"

"Kilala mo siya?" Taka kong tanong.

"Oo, kaklase ko siya noon. She's been bullied. Isa na 'ko sa nambully sa kanya noon. One day nalaman nalang namin na patay na siya. We felt guilt at natakot. Pero ang sabi ang ikinamatay daw niya ay sakit na leukemia but dahil doon we stop bullying others. Ang sakit nga dahil hindi kami nakahingi ng kapatawaran sa kanya. "

"Pinagdusahan namin 'yung nagawa namin sa kanya."

"Sana alam niya 'yun."

After no'n. I saw a girl standing behind her.

Si Avia.

Natakot ako at nanginig pero nakita 'kong niyakap niya si Myrna.

I smiled tapos nagsalita.

"Napatawad ka na niya."

Nginitian din ako ni Myrna, also Avia.

Maybe ito ang purpose ko kaya bukas ang third eye ko. Para makatulong sa iba. Mapaparating ko ang naising sabihin ng namayapa na.

Si Avia, nalaman niya na ang tunay na dahilan kung bakit siya namatay. 'Yung galit at poot sa puso niya ay wala na.

Nakahinga narin ng maluwag si Myrna.

Naging payapa ang lahat pagkatapos noon. Hindi na ako nakakita kailanman ng multo.

We all need a peace.

Bukas ang third eye ko to clear something and to give a peace to someone else.

Chapters of My Life (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon