That Should Be Me

90 53 6
                                    

•Dedicated to RoseneTacuyan

That should be me holding your hand
That should be making you laugh
That should be me this is so sad
That should be me, that should be me~

Heto ako nakatayo at tinatanaw sila mula sa malayo. Naninikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan silang magkakahawak ang kamay at masayang nag-uusap.

Ako sana 'yun. Ako dapat 'yun.

Sa isang iglap bumalik ang ala-alang nagpapabigat sa'king damdamin.

"Mama! Mama huwag please."
Nagmamakaawang saad ko habang nakayakap sa paa ni mama.

"W-wag mama, papa..." Muli kong pakiusap saka sinubukang hawakan ang paa rin ni papa subalit umilag siya.

"Ayoko ng anak na babae!" Bulyaw nito sa'kin saka ako pilit na inalis sa pagkakayap sa paa ni mama.

Mahigpit, sobrang higpit nang pagkakahawak nito sa dalawang braso ko. Sobrang sakit.

"Kaya puwede ba huwag ka ng makulit! Sumama ka na sa kanila!" Saka niya ako itinulak nang malakas papunta sa mag-aampon sa'kin.

Hindi ko makuhang maisip kung bakit ganito sila sa'kin.

Paano nila nasisikmura na ganituhin ang anak nila? Na ipamigay na para bang isang tuta.

Nanghihina akong umupo sa ilalim ng puno habang nakatingin sa kanilang masayang magkakasama.

Nagpahagulgol ako sa paulit-ulit na sakit na nararamdaman ko.

Tinuring man akong tunay na anak ng bago kong pamilya, hindi ko parin maiwasang masaktan sa katotohanang pinamigay ako ng tunay kong mga magulang.

Lalo na sa napakababaw na dahilan.

Ayaw nila sa anak na babae.

Gusto nila ay lalake para magdala ng apilido nila. Makapagtrabaho at makatulong---hindi ko ba kaya ang bagay na 'yun?

Puro problema lang daw ang dala ko sa kanila magmula ng maipangak ako.

Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang paghikbi.

Galit, poot at hinanakit ang nararamdaman ko.

Ni minsan magmula ng ipaampon nila ako hindi nila ako binisita pang muli. A-akala ko babalikan nila 'ko.

Ngayon ang saya nila dahil may anak na silang lalake na para bang wala silang anak na iniwan, pinabayaan, tinakwil at pinamigay.

Napakuyom ang kamao ko sa matinding galit sa kanila. Ni minsan hindi sila humingi ng kapatawaran sa ginawa nila.

Ni katiting na pangungulila sa kanilang anak na inabanduna hindi mo makikita sa kanilang mga mata. Napakasakim. Napakasama.

That should be me feeling your kiss
That should be me buying your gifts
This is so wrong, I can't go on
Do you believem that should be me.~

Their hugs, kisses, gifts and love. That's supposed to be mine.

I hate them but still, I wish they accepted me because I'm their child.

The time passed by and I think I'm just the one who can't get over from this pain.

Looking at them from a far is the thing that I can do.

My little brother that I want to be with. How I wish I'm there, guiding him.

To have a complete family, a REAL one. I want to be part of it.

That should be me.

Chapters of My Life (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon