One Month With You

127 71 5
                                    

"France, I need something to tell you."  My boyfriend Paul said.

"Ano 'yun?" Nakangiti kong saad dito.

"L-let's end this." Napahinto ako sa nadinig ko. Hindi makuhang mag sink-in sa utak ko ang sinabi niya.

"A-ano?" Naguguluhan kong tanong.

"Tapusin na natin 'tong relasyon natin." Malungkot na saad niya.

"May iba na ba?" Tanong ko dito habang may kumikirot sa dibdib ko. Ang sakit.

"Wala, sadyang nawala lang din 'yung pagmamahal. I'm sorry."

"Huwag muna ngayon please." Pagmamakaawa ko dito. Call me stupid but I can let him go easily.

"Ayoko na France----"

"I know, oo nga pero please pagbigyan mo 'ko. Hindi pa 'ko handa. Just give me one month to be with you kapag bumalik 'yung pagmamahal then ituloy natin ang relasyon pero kung wala na....okay I will accept it."

We have a deal. Nagkasundo kami na sa loob ng isang buwan magkasama padin kami.

This is my last hope.

Nag-enjoy kami sa mga unang linggo.

Pinilit naming itulad sa dati kahit malabo.

I tried my best para mabalik 'yung love, 'yung spark sa'min.

"Dalawang linggo na pala ano." Saad ko dito.

Bakit ang bilis ng oras?

"Oo nga eh."

"Wala pading nagbabago. Siguro wala na talaga 'yung love ano. Ang hirap ibalik. Pwede ilang months pa uli?" Hirit ko pa pero inunahan ko na siya dahil nakita ko ang paglungkot niya.

"Joke! Let's just enjoy the last week left." I smiled bitterly.

"You remember this?" I asked him while pointing the basketball game here in arcade.

"If I win you'll stay with me and we will start again."

"France---"

"Kidding." Palagi ko nalang dinadaan sa pagbibiro. Lahat na ginagawa ko para lang manatili siya sa'kin pero kita ko na wala na talaga.

Last day....

This is the last day that I'm with him. Naiiyak ako sa naisip ko. Hindi ko makuhang matanggap na isang araw hindi ko na siya makakasama.

We decided to go in a place na favorite namin. Here, at the church.

Pareho kaming nakaluhod habang nagdarasal.

Dinig ko ang panalangin niya, sinasadya namin na iparinig sa isa't-isa tutal nagsisilbing last message narin naman 'to.

"Lord, I'm sorry if I broke my promise. Ang sabi ko ihaharap ko ang babaeng ito sa altar, sa araw ng kasal namin. But now I'm giving up. Gusto ko manatili kasama siya pero wala na 'yung pagmamahal. Thank you for giving me a chance to be with her even in a short period of time." He said while crying. Naiyak narin ako sa sinasabi niya.

My turn.

"Just like what he said Lord. Thank you for giving us a chance to be with each other again before we will end this. I know it has a reason why you let us met even we are not meant to be. I'm so lucky that he became part of my life." Ang sakit isipin na kailangan ko na siyang bitiwan.

After we prayed umupo kami sa isang bench doon.

"France, sorry if I broke my promise. Pwede parin naman tayo maging magkaibigan hindi ba?" Tanong niya sa'kin.

"Bibili lang ako saglit." I bought two cotton candies. Even we are not a kid anymore, we love this.

"Here's for you." Saad ko saka inabot sa kanya ang isang plastik nito.

"Thanks."

"Pwede naman siguro, kapag wala na 'yung sakit at pagmamahal." Sagot ko sa tanong niya saka kumain.

"You know, hindi ko makuhang maisip na hahantong tayo sa ganito. Ayos naman kasi tayo eh. Oh baka akala ko lang 'yun." I said habang pinipigilan ang luha ko.

"Baka hindi lang talaga tayo para sa isa't-isa."

"Baka nga. Thank you sa one month na kasama kita, haharapin ko na ang mga susunod na buwan na wala ka na. Babaunin ko ang memories natin hanggang pagtanda. May parte ka padin sa puso ko. Thank you for coming into my life, it's time to let you go."

One month that I'm with him is enough for me to accept that I should let him go. Our memories that we built will be treasured forever.

Chapters of My Life (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon