Question Game

72 61 1
                                    


"Woi! Laro tayo." Excited na sabi ko sa crush ko. Zen name niya.

"Ano 'yun?" Sagot niya naman sa'kin.

"Ganito, magtatanong ako tapos dapat sasagutin mo lang din ng tanong. Magbabalik ka lang ng tanong pero dapat related sa unang question. Geeets?"

"Got it." Wow naman umeenglish ang koya niyo.

Dahil mabait naman si crush siya na nagstart.

"Kumain ka na ba?"

Luh pafall.

"Anong ulam niyo?"

"Masarap ba?" Oo kyah mesherep.

"Marami ka bang nakain?"

"Medyo."

"HALA MALI!" Gulat na saad ko nang mapagtantong sumagot pala ako sa kanya.

"Ahhh mahina HAHAHA." Saya ni crush noh? Happy pill ako.

"Teka anong parusa ng talo?" Tanong niya sa akin na itsurang may masamang balak.

"Wala naman tayong usapan na may parusa basta maglalaro lang."

"Ayoko na pala." Pagtatampo niya, luh tatampo asawa ko.

"Oo na, sige na! Kapag naka tatlong mali may isang dare sa kanya. Okay na 'yun?"

"Sige na nga. "

Hanggang sa umabot na kami ng ilang minuto. Nakakadalawa na akong mali, nag-iisip ako't pinapabilis ang process ng utak ko nang mapahinto ako sa tanong niya.

"Puwede bang akin ka na?"

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. S-sakanya na raw ako?

Naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko habang paulit-ulit sa tainga ko ang tanong na 'yun hanggang---

"Huy! Talo ka na. Ang tagal eh. Okay nakatatlo ka na kaya idedare na kita."

"Hoy!---"

"Wag ka na umangal." Saka niya pa tinakpan ang bibig ko.

Foul kasi 'yung tanong niya! Alam niya naman na may gusto ako sa kanya.

"It's dare time!"

Saya niya oh.

"Sinabi ko na to sayo pero through quetion."

"Ano nga?" Inip na inip kong tanong habang nililibot ang tingin ko sa paligid.

Bigla niya na lang hinawakan ang mukha ko't inilapit sa kanya.

Nakatingin lang kami ng deretso sa mata ng isa't-isa saka siya ngumiti na isa sa mga kahinaan ko.

Nanlaki ang mata ko't parang napahinto bahagya sa paghinga nang sabihin niya ang katagang---

"Akin ka na."

Chapters of My Life (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon