Arrow of Cupid

81 62 1
                                    

"Naniniwala ka ba kay kupido?" Tanong ko kay Dylan. He's my long time boy bestfriend.

Alam niyo kung bakit ko 'yun natanong? I really love reading books. All genres will do.

Kaya bigla 'kong naalala ang storyang nabasa ko. Talaga kayang may kupido kaya there's a love?

"Hmm...siguro?"

'Kung talaga ngang meroon. Sana panain niya tayong dalawa ano?' Sabi ko sa aking isip.

I'm inlove with him. Noon pa.Madalas ko na nga ito nababasa sa wattpad eh. Pagkatapos eto, nararanasan ko na din.

Tama pala talaga, it's really hard to fall inlove with your bestfriend. Nandoon 'yung takot, na baka kapag umamin ka lalayuan ka niya. Kaya ako, okay na 'ko sa ganito.

But, I'm still wishing na sana..sana magkatuluyan kami.

Alam mo kasi, nakakainlove naman talaga siya. Hindi ka ba maiinlove sa taong palaging nandyan hindi lang kapag may saya o kalokohan kundi pati rin sa away saka kalungkutan? 'Yung taong handa kang ipagtanggol. Handa kang patawanin kapag nalulungkot ka.

He knows that I have a crush on him. Buong lakas pa 'kong umamin sa kanya no'n pagkatapos tinawanan lang ako.

Ayos lang daw 'yon. Crush lang naman.

Pero love? It's different thing.

-------

"Noemi, tulungan mo naman ako oh?" Nagmamakaawang saad sa'kin nitong mokong. Nakita kong may hawak siyang chocolates and flowers may parang letter pa nga eh. No way...

"Ibigay mo 'to doon oh kay Guen, sige na please please please?" Pagmamakulit nito saka ako tinulak-tulak papalapit doon sa babaeng mukha namang mabait. Eto ata 'yung kinukuwento niya sa'king ang ganda raw ng boses. Ewan ko ba kung saan niya narinig.

"Teka, teka nga! Baka mapagkamalan pa 'kong tomboy niyan eh!" Saad ko sa kanya. Pero ang totoo, ayoko lang. Ang sakit kaya sa part ko 'yun ano. Crush ko siya tapos ako ang way para madiskartehan niya 'yung babaeng 'yun?

"Ililibre kita kahit ano. Ibigay mo lang 'to pleaaaasee?" Saka pa nagpuppy eyes ang mokong. Bagay sa'yo mukha ka namang aso.

Nakakainis! Bakit ba hindi nalang ako?!

"Sabi mo 'yan ah?" Tanong ko sa kanya. Sana hindi nalang tanggapin. Pumayag ako kasi kung hindi , hindi rin titigil 'to.

"Oo! Oh bilis na." Saka iniabot sa'kin lahat saka ako tinulak.

"Hi hehe." Saad ko dito. Tinignan ko siyang maigi. Oo na, siya na maganda!

"Hello, ano 'yun?" Bakit ang lambing ng boses niya?! No way! Napakacharming niya tignan. Mas mahuhulog sa kanya ang mokong. Pag nagkataon , I really have no chance!

"Pinapabigay ng kaibigan ko." Really? Ganito ba ko kamasunurin para iabot padin 'to kahit masakit sa part ko?

"Talaga? Asaan siya?" Saka lumingon-lingon. Hambalusin kita dyan eh.

"Wala. Nahihiya. Sige ha bye!" Saka na 'ko umalis doon. Bakit ba? Eh sa nagseselos ako!

"Pakisabi salamat!" Rinig ko pang sabi niya.

Nyenye salamat mo mukha mo.

"Ano nabigay mo?" Excited na tanong ng mokong na lumabas sa pinagtataguan.

"Malamang, wala na sa'kin diba?" Naiinis kong sabi.

"Bakit sumungit ka bigla? Atat sa libre halika na nga." Saka niya 'ko inakbayan. Tinanggal ko naman 'to saka nauna sa kanya.

Chapters of My Life (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon