Striking Nostalgia

70 52 2
                                    

•Dedicated to @Beanaaaaaaa•

Ang nakaraan ay mananatiling ala-ala na lang. Subalit ang sakit at ang pait ng kahapon ay dala-dala ko na hanggang sa'king paglaki. Ang peklat sa'king puso dahil sa pangyayaring 'yun ay mananatiling nakaukit sa'kin.

Bata pa lamang ako nang mawala na ang magulang namin.

Sa mga araw na gigising ako sa umaga walang magulang na yumayakap at humahalik sa'kin. Sa bawat kaarawan at iba pang mahahalagang okasyon wala akong kasamang magulang tulad ng ibang bata.

Napapatanong ako minsan kung bakit ang aga silang kinuha sa'kin ng nasa itaas.

"Shhh wag ka na umiyak, nandito si kuya. Tahan na bunso."

Kahit pa ganoon ang buhay ko. Sobrang suwete kong may kuya akong pinuno ang pagmamahal ang puso ko.

Narito ako nakasilip sa kanyang silid. Bahagyang nakaawang ang pinto sa kanyang kuwarto at narinig kong may kinakausap siya kaya hindi ko maiwasang hindi makinig.

"Puwede po bang makahingi ako ng isang linggong palugit?"

Tiyak kong ang paupa nanaman dito sa tinitirahan namin ang inaasikaso niya. Sa kabila ng nararanasan kong pangungulila mas nangingibabaw sa'kin ang pag-aalala sa kuya ko. Ang dami niyang inaasikaso. Dahil dalawa na lang kami siya lahat ang sumalo ng mga responsibilidad. Binubuhay niya ako't napag-aaral gamit ang sarili niyang dugo't-pawis.

Malapit na siyang makapagtapos ng kolehiyo. Kailangan niya na lang kumuha ng board exam para maging ganap na sa kanyang naising trabaho.

Habang ako, nasa fouth year highschool na. Kumakayod din ako, rumaraket para makatulong kay kuya.

-------

Galing akong paaralan at dumeretso ako sa'king pinapasukang restaurant, bilang isang dish washer.

Sandamakmak at bundok-bundok ang mga hugasin ko dito. Pagod man at tagaktak na sa pawis tinitiis ko para sa'min ni kuya. Siya nga kahit na sobrang hirap ni minsan hindi siya dumaing, ako pa kayang wala pa sa kalagitnaan ang ginagawa kung ikukumpara sa lahat ng nagawa niya para sa'min.

Nang matapos ang trabaho sumakay ako ng tricycle pauwi sa'min.

Naglakad na ako papasok sa iskinita nang may makita akong binubugbog at pinagtitripan sa hindi kalayuan.

Natakot at nagulat ako nang makitang may inilabas na patalim ang isang lalaki at isinaksak ang isang lalaki saka nila binitbit ang bag at tumakbo.

Agad akong lumapit sa nakahandusay na tao at napaluhod ako nang mapagtanto ko kung sino 'to.

"K-kuya...KUYA! KUYA GUMISING KA! TULONG! TULUNGAN NIYO 'KO!"  Kinuha ko ang ulo niya at pinahiga sa'king hita habang niyayakap siya ng mahigpit.

Ayun ang araw na hindi ko makakalimutan kailanman. Nagtapos ako ng pag-aaral at siniguradong mabibigyan ng hustisiya ang pagkamatay ng kuya ko.

Lahat ginawa ko para maging successful ako sa buhay. Subalit wala na 'kong hihilingin pa kundi ang pagbayarin ang gumawa nun sa kuya ko.

Narito ako nakaharap sa puntod niya. Nakangiti subalit mayroong tumutulong likido mula sa'king mata.

"Kuya, sa ngayon inaantay na lang namin ang hatol ng hukoman para sa gumawa sa'yo niyan. Gagawin ko ang lahat mabulok lang sila sa bilangguan."

Saka ko huminga ng malalim at pinunasan ang luha ko.

Dumating ang araw na malalaman na namin ang hatol at napaiyak ako sa saya nang marinig ang salitang...

"Guilty."

Napaupo ako't napangiti. Sa wakas, sa kabila ng paghihirap ko nang mawala si kuya nagbunga lahat ng iyon.

"Salamat po." Sabi ko sa attorney na tumulong sa'kin.

My daughter asked me if what are the memories that I will never forget.

I smiled and brush her hair using my fingers.

"My striking nostalgia? The memories that I'm with your tito. The time that I'm still with my kuya."

Kung hindi dahil sa kanya wala ako sa kinaroroonan ko ngayon---

At alam kong masaya rin siya kung nasaaan man siya.

Babalik-balikan ko parin ang ala-alang kasama ko siya.

Chapters of My Life (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon