Pain Will Heal Soon

72 51 1
                                    

Dumaan na rin ba kayo sa punto ng buhay niyo na mayroon kayong taong pinahahalagahan ng sobra?

Hindi kayo magkasintahan pero napakaespesyal sa'yo ng taong 'yun.

Nakakatawa para sa karamihan. Walang commitment.

Kinilala muna namin ang isa't-isa. I met him online, ilang buwan kaming naging magkausap hanggang sa nagustuhan ko siya.

Kinalaunan umamin din siya sa nararamdaman niya.

Sabi ko ligawan at magiging kami kung pupuntahan niya 'ko. We have a deal.

Subalit ngayon na hindi pa kami nagkikita, tawagan at chats na lang muna. Pero napakaraming problemang dumarating at sumusubok sa'min. Nalagpasan at patuloy kaming lumaban sa kabila ng 'yun.

Umabot kami ng isang taon. September ang parehas na buwan ng aming kaarawan. Ngayong August 16, 2020. Natapos ang lahat.

Bago sumapit sa araw na 'to pansin ko nang mayroong nag-iba. Walang good morning, afternoon and goodnight. Walang mensahe kung hindi mo pangungunahan. Online pero hindi na ata para sa'kin. Sinubukan kong balewalain ang pangoover think ko.

Pero nang araw na Agosto labing-anim kinausap ko siya.

Naging madrama ang pag-uusap.

"We're still friends, right?" Tanong niya sa'kin na tinanggihan ko.

"Hindi ko ata kayang maging kaibigan ang taong naging dahilan kung bakit ako nasaktan ng sobra. Siguro, kung wala na 'yung sakit." Tanging mensahe ko habang pinipigilan ang nagbabadyang tumulong luha mula sa mata ko.

Nagpasalamat siya sa mga ginawa ko para sa kanya at sa mga nagawa niyang pagkakamali sa'kin.

"You don't have to. Ginawa ko 'yun dahil minahal kita't pinagkatiwalaan. Ganoon rin ang ginawa ko kaya ako nasasaktan. I need to take the risk because in the first place that's my fault, I let myself to fall in love with you."

Mga katagang nagpahagulgol sa'kin ng sobra. Hindi ko sana gugustuhin na sukuan siya dahil natatakot ako na baka hindi ko kayang makita siyang masaya na sa iba, nagmamahal na ng iba. Pero ganoon ata talaga, hindi lahat kaya mong kontrolin. Hindi porket mahal mo, hahawakan mo kahit kumakawala na sa'yo.

Sa kabilang banda, nasaktan man dahil sa kanya malaking parte siya ng buhay ko na kailanman hindi ko makakalimutan.

Maaring tama siya.

"This is not the right time for us."

Sa araw na 'to. Tuluyan na kaming naghiwalay. Namaalam at hindi na guguluhin pa ang isa't-isa.

Sigurado akong mamimiss ko siya ng sobra, mga tawa, asaran, dramahan at iba pang bagay na ginawa naming dalawa.

Lahat ng plano namin kapag magkasama na kami wala na. Mga pangarap na binubuo namin naglaho ng parang bula.

I love him so much.

It hurts me a lot but I know when the right time came. If I already accepted the truth.

Pain will heal soon.

Chapters of My Life (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon