KABANATA 7

16.3K 213 40
                                    


KABANATA 7

Pagpasok ko sa bahay ay sumalubong sa'kin ang mama ko na nanunuod ng TV kasama ang bunso kong kapatid.

"Hala, nasunog-nog-nog!" pang-aasar ni Caden nang makita ako nito sa pinto.

Inirapan ko lang ito at humalik kay mama.

"Maganda pa rin naman ang ate mo kahit ano pa ang kulay ng balat n'ya." sabi naman ni mama at hinaplos ang pisngi ko. "Sobrang pula, 'nak. Grabe 'ata ang pagbababad mo sa araw. Lagyan mo agad ng aloe vera gel 'yan."

Tumango ako kay mama at tumulak na sa kuwarto ko. Ngayon ko lang napansin na medyo nag-tan nga ako. Pero hindi sobra dahil mas nangingibabaw ang pamumula. Mahapdi rin ang mukha ko pero wala nang mas hahapdi pa sa nararamdaman ng puso ko ngayon. Luh! Drama? Tigilan mo, Ahlia!

Naligo ako at dumiretso na agad sa paghiga. Nang buksan ko ang cellphone ko ay maraming mensahe ang tatlo sa groupchat namin sa Facebook.

Daisy Jade named the group P P D I 💔

Daisy Jade:
Kamusta naman ang mga kaibigan kong PPDI

Veronica:
anong ppdi punyeta ka

Arah Quincel:
Pretty pretty danda ih?

Daisy Jade:
Wrong!!! HAHAHAHAH

Veronica:
ano nga letse

Arah Quincel:
Ay wrong ba hahaha e anu

Daisy Jade:
Pinakilig
Pero
Di
Inibig
😂😂🤣🤣🤪🤪😢😭😭😭💔💔🤮

Arah Quincel:
TANG INUMIN MO

Veronica:
HAHAHAHAH napakagago mopo

Daisy Jade:
Hahah labyu mga sis pinapatawa ko lang kayo!

Arah Quicel:
Baket masaet? Di ako natawa nasaktan ako

Veronica:
si ahlia nga di na makausap sa sobrang lungkot

Arah Quincel:
Miss ko na agad si Timothy ko!

Daisy Jade:
Di ka nya miss

Ahlia Blair:
Napaka salbahe mo talaga Daisy haha

Lintik talaga 'to si Daisy! Pero ang sakit no'n ah! Pinakilig pero 'di inibig? Lintik talaga, 'di ako nakailag. Sapul na sapul.

Veronica:
mamatai ca nuah mamatai ca nuah

Arah Quincel:
Sarap mo sampalin

Daisy Jade:
HAHAHAHA letse kasi kayo! Nagpapaapekto kayo masyado sa mga lalaking nakasama lang naman natin ng 3 days! Tigilan nyo nga magaganda naman kayo kaya marami pa jan. Lalo kana Ahlia sabi ko naman kasi sayo si Pert nalang.

Ahlia Blair:
Lintik ka pagod lang ako kaya tahimik na ako kanina

Veronica:
dont me! sad ka kaya ka quiet at sad ka dahil aalis na si inno mo

Arah Quicel:
Lets sing together mga pokpok! KAPUS KAPALARAN, HUMANAP NG IBA!

Natawa nalang ako sa mga mensahe ng mga kaibigan ko. Kahit papaano ay humuhupa ang lungkot ko pero hindi pa rin lahat dahil hindi pa rin maalis sa isip ko na may Charm na uuwian si Inno sa Maynila.

Rated SPG ka ba?Where stories live. Discover now