KABANATA 18

9.8K 171 6
                                    


KABANATA 18

Nanatili ang komunikasyon namin ni Inno. Hindi ako sumuko sa kan'ya na sa tingin ko ay nagbunga dahil mabilis itong bumalik sa dati. Lubos ko iyong kinasaya. Pinanghawakan ko ulit ang maliit na pag-asang ako pa rin ang gusto n'ya sa huli.

Malapit na rin ang birthday n'ya. January 9 iyon ngunit dahil pumatak ng Lunes ang 9 ay sa 7, araw ng Sabado n'ya napiling magdiwang at sa isang bar daw iyon sa Makati.

Tuwang-tuwa sina Arah at Veron. Hindi pa kami nakakaranas makapunta sa mga bar sa Makati kaya si Arah ay inalam ang lahat ng dapat naming malaman.

"So, ang napiling bar ni Inno ay isa sa pinaka mahal at pinaka sikat! OMG! Kailangan nating umawra!"

Nandito kami ngayon sa restaurant nina Arah. 2 days nalang ay selebrasyon na ng birthday ni Inno kaya heto at pinag-uusapan na namin ang gagawin.

"Talaga ba!? OMG! So, dapat talagang bongga? Tulad ng mga napapanuod natin sa movie?" si Veron na parang sinisilaban ang pwet sa kilig.

"Oo! Galingan natin, sis, baka du'n na tayo makahanap ng forever natin!"

Ngumiwi si Daisy sa sinabi ni Arah. "Gaga, hindi forever ang nakikita sa bar. FuBu."

Kunot ang noo naming tatlo. "Anong Fubu?" sabay-sabay pa kaming nagtanong.

"Diba damit 'yun?" dagdag pa ni Veron.

"Tanga!" tumawa si Daisy. "Fuck Buddy kasi! Damit daw, lintik!" tawa pa rin ito.

"Gago ka, brand naman talaga ng damit 'yon, malay ko bang binago na pala." natatawang sabi din Veron.

"Napaka nega mo naman. Malay mo naman, diba?" si Arah na ngayon ay nakanguso na.

"Bahala kayo, basta mag-iingat kayo. At utang na loob, wala na ulit mawawala, ah?!" makahulugan ang tingin nito kay Veron. Si Veron naman ay natatawa nalang.

"Kapag nawala ka du'n, paniguradong paggising mo, buntis ka na." pananakot ni Daisy dito.

Ngumuso si Veron. "Konti nalang ang iinumin ko, promise."

Bumaling sa akin si Arah. "Dapat bongga ka, Ahlia. Dahil ikaw ng jowa ng birthday boy! Dapat hindi ka basta-basta. Mag-heels kang mataas ah, tapos ilalabas natin 'yang pwet ng batang nakatuwad!"

Ngumiwi ako. "Anong pwet? Pwet ko? Ayoko nga, Arah, parang tanga naman 'yun!" umirap ako.

"Tanga! Hindi pwet mong literal, baliw! Cleavage mo kasi!" tawang-tawang sabi nito.

Napatangu-tango ako. "Ahhh. Pero konti lang ah. Baka naman nipple nalang ang nakatakip?"

"Konti lang. Tama lang para makita ng mga ibang babae do'n na malaki ang future mo at wala na silang panama agad!"

Natawa nalang ako sa pinagsasabi ni Arah pero nagustuhan ko din talaga iyon. Dahil panigurado, naroon si Charm. At malay ko ba, baka hindi lang si Charm, pati ibang mga Ex ni Inno at mga nakalandian. Kailangan kong patunayan na may ibubuga din ako.

Kinabukasan, nagpunta kami ng mall para bumili ng damit at sapatos. Unang beses namin itong ginawa dahil talagang ukay-ukay lang lagi ang takbuhan namin. Pero ngayon ay dito talaga pinilit ni Arah. Naloka tuloy ako kasi pang-ukay lang ang budget ko!

Rated SPG ka ba?Where stories live. Discover now