KABANATA 20

10.4K 156 8
                                    


KABANATA 20

Tumakbo ako palabas ng building na umiiyak. Mukha akong tanga at mukhang kaawa-awa. Pinagtitinginan ako ng mga tao pero hindi ko na naisip pa ang mga sasabihin nila. Ang gusto ko nalang ay makaalis na doon.

Ang sakit. Ang sakit sakit. Bakit ba ang tanga-tanga ko? Bakit inantay ko pang umabot sa ganito? Dapat ay nu'ng nahuli ko na s'yang kausap si Charm sa cellphone, dapat ay hiniwalayan ko na s'ya no'n!

Nakakita ako ng taxi at agad iyong pinara. Nagpahatid ako agad sa sakayan ng bus. Nang nasa bus na ako ay tumigil na ang mga luha ko. Medyo nakalma ko na rin ang sarili ko pero ang sakit, naroon pa rin.

Binuksan ko ang data ng cellphone ko para sana i-chat si Arah ngunit biglang lumabas sa notification na nagpadala ng mensahe sa akin si Charm.

Charm Agatha:
Again, I don't mean to hurt you. I'm sorry for doing this to you, nakokonsensya ako kaya again, sorry Ahlia. I really am. It's now up to you if you're gonna continue sharing Inno with me, which I don't mind, but if you're not up for this kind of set up, save yourself.

Kasama sa mensahe n'ya ay mga larawan na kasama n'ya si Inno na kumakain sa labas. Totoo ang mga ito at talagang recent lang dahil suot ni Inno sa mga larawan ang necktie na regalo ko sa kan'ya. Gusto kong ibato ang cellphone ko. Nanlumo na naman ako at naawa sa sarili.

Pinagtinginan ako ng mga tao sa bus. Punuang bus iyon papuntang Tagaytay kaya maraming tao. Hiyang-hiya ako pero ayaw tumigil ng luha ko. Tuwing pipikit ako, nakikita ko pa rin ang mga larawan nila sa isip ko.

Tang ina, ang sakit sobra. Ngayon ko lang naranasan ang masaktan ng ganito dahil sa isang lalaki. Parang dinudurog ang puso ko. Ang sakit ay literal kong nararamdaman sa dibdib ko kaya hawak ko iyon at hinihimas. Pinipilit tanggalin ang sakit na nararamdaman.

Tulala ako sa bintana buong byahe. Naka-earphones at nakikinig ng kanta. Ginawa kong airplane mode ang phone ko para hindi ako ma-contact ni Inno dahil hindi ko s'ya kayang kausapin.

Pinag-iisipan ko rin kung ano bang dapat kong gawin. Sasabihin ko ba kay Inno na alam ko na ang lahat? Kukumprontahin ko pa ba s'ya? Pero para saan pa ba, diba? Magsisinungaling lang s'ya ulit sa akin. At natatakot ako... natatakot akong baka madala na naman ako sa kan'ya. Mahina ako pagdating kay Inno at nakakatakot iyon.

Pero napapagod na ako. Napapagod na akong maging tanga sa kan'ya. Ito na ba 'yon? 'Yung kusa nang mapapagod ang puso ko? Pakiramdam ko kasi ay parang hupang-hupa ako sa nangyari.

Nang makarating ako sa bahay ay walang tao. Binalik ko ang signal ng cellphone ko at sunud-sunod ang mga mensaheng dumating galing kay Inno. Marami din s'yang missed calls. At ilang sandali lang ay nakatanggap na nga ulit ako ng tawag mula sa kan'ya. Tinitigan ko ang screen ng cellphone ko, pinag-iisipan kung sasagutin ko ba. Sa huli, humugot ako ng malalim na paghinga at sinagot nalang.

"Hey, what happened?" nag-aalala nitong tanong.

Kinagat ko ang labi ko. "May biglaang job interview ako kanina, Inno. Tapos lowbat pala ang cellphone ko hindi ko namalayan. Kakauwi ko lang ngayon."

Narinig ko s'yang nagbuntong-hininga.

"Inno, medyo napagod ako. Okay lang ba, matulog muna ako?"

Pumayag ito at pinatay ko agad ang tawag. Nagkulong nalang ako sa kwarto hanggang sa dumating na sila mama.

Kinausap ko si Tita Lucia na napagdesisyonan kong sasama na nga ako sa kan'ya.

Rated SPG ka ba?Where stories live. Discover now