KABANATA 14

10.9K 172 39
                                    


KABANATA 14

"So, Inno..." matalas ang tingin ni Daisy sa likod ng nagmamanehong si Inno. Katabi ako ni Inno sa passenger seat at nilingon ko si Daisy. "...bilang nanliligaw ka naman sa kaibigan namin, may mga itatanong kami sa'yo kung 'di mo naman mamasamain."

Kunot-noo akong sinulyapan ni Inno. "You didn't tell them?" sabi nito na nagpakaba sa'kin.

"OH MY GOSH! KAYO NA!?" sigaw ni Veron habang nanlalaki ang mata at napahawak pa sa bibig n'ya.

"Hala, talandi ka talaga!" si Daisy naman sabay hila sa buhok ko. Sinundan pa s'ya ni Veron at sa huli naman ay si Arah.

Pero tila nahalata ni Veron na nakikisakay lang si Arah sa kanila kaya lalong nanlaki ang mata n'ya habang nakaturo kay Arah.

"OMG, ALAM NI ARAH!!!"

Ngayon ay si Arah naman ang sinabunutan nila.

"Kailan pa?" naiinis na tanong ni Daisy.

"Kahapo—" natigilan ako sa tangkang pagsisinungaling nang sumagot din si Inno.

"November 29."

Muli nila akong sinabunutan. Si Inno naman ay hinimas ang ulo ko.

"Don't hurt her, please." sabi pa nito.

Masama at nagtatampo ang tingin sa akin ni Daisy at Veron.

"Magsisinungaling ka pa ulit, ha!? Gaga ka! Buti nalang honest tong jowa mo!" inis na sabi ni Daisy.

"Nag-kiss na ba kayo?" si Veron na nakahalukipkip pa.

"Hoy, bigyan n'yo naman sila ng privacy." sabi naman ni Arah na agad natahimik nang titigan s'ya ng masama ng dalawa.

"Lintik ka! Privacy ka pa porket ikaw alam mo na. Hmp!" sabi ulit ni Veron.

"Nakakatampo. Ang tagal mong tinago, Ahlia. Kay Arah ka lang nag-share? Simula high school, magkakaibigan na tayong tatlo!" nakanguso ang nagtatampong si Veron.

"Sorry na. Natatakot kasi ako na sabihan n'yo 'kong malandi kasi ang aga ko s'yang sinagot eh."

"MALANDI!" sabay pa silang dalawa kaya nagtawanan kami.

"Syempre kahit naman malandi ka, tanggap pa rin namin." sabi ni Daisy.

Napanguso ako. "Sorry na. Libre ko nalang 'yung food for today."

Ang dami pa nilang tinanong. Kung saan ko sinagot si Inno, kung saan ang first kiss namin, at kung ano ang tawagan namin. Wala akong sinagot kahit isa dahil nahihiya ako kay Inno. Buti nalang at tinantanan na nila ako.

Matapos ang napakahabang byahe namin ay narating rin namin sa wakas ang Divisoria. Sa isang underground parking kami nagparada. Nang makapasok na kami sa Divisoria Mall ay biglang hinawakan ni Inno ang kamay ko at bahagyang napisil ito.

Napatingin ako kay Inno. Medyo nanlalaki ang mga mata n'ya sa gulat. Naawa tuloy ako. Halatang hindi s'ya sanay sa ganitong lugar. Napakarami kasi talagang tao. Mas marami pa ngayon dahil Sabado.

Rated SPG ka ba?Where stories live. Discover now