KABANATA 12

11.5K 185 37
                                    


KABANATA 12

"Anong plano mo n'yan?"

Nandito kami ngayon ni Arah sa Mcdo malapit sa Sky Ranch. Sinundo n'ya ako sa bahay para damayan ako. Kami lang dalawa dahil nakiusap ako sa kan'ya na sa amin nalang muna sana ang nangyari.

Umamin na rin ako sa kan'ya na kami na ni Inno. Hindi naman s'ya nagulat na naging kami pero nagulat s'ya na nagawa kong maglihim sa kanila. Humingi ako ng tawad sa kan'ya at hindi naman ito nagalit sa'kin.

"Hindi ko sasabihin na alam ko." sagot ko sa kan'ya na ikinagulat nito.

"Hindi mo manlang aalamin kung ano n'ya 'yung babaeng 'yon? Hahayaan mong lokohin ka n'ya?"

Nagbuntong-hininga ako. "One week nalang naman s'ya dito tapos ay babalik na s'ya ng Manila. Kapag bumalik na s'ya, hihiwalayan ko na." malungkot na sabi ko.

Napanguso si Arah at kunot ang noo nito. "Parang 'yung ginawa mo kay Kent? Ang hilig mo talaga tumalikod sa problema ng 'di ka nakikipag-usap ng maayos." umiling-iling pa ito.

"Ano pa bang pag-uusapan, Arah? Malinaw naman na niloko n'ya 'ko."

Nagkibit-balikat ito. "Baka lang kasi may maayos na eksplanasyon si Inno. O kahit nga hindi maganda ang dahilan, iba pa rin na alam mo at narinig mo mismo mula sa kan'ya."

Hindi ako napilit ni Arah na kumprontahin si Inno. Mahina talaga ako sa kumprontahan eh. Hindi ko kayang mas madagdagan pa 'yung lungkot na nararamdaman ko habang sinasampal ako ng katotohanan. Mas gusto kong tahimik nalang na lumayo.

Kinabukasan ay mabigat ang loob ko habang nagbibihis. Sabado ngayon at may plano kami ni Inno na lumabas. Kung normal pa ang lahat, masaya at excited dapat ako ngayon. Pero wala na ang sigla ko.

Sa katunayan nga ay sinabi ko kay Inno na 'wag na kaming tumuloy dahil masama ang pakiramdam ko pero hindi s'ya pumayag. Kung ayaw ko daw lumabas ay s'ya ang bibisita sa bahay. Hindi ko nagustuhan iyon dahil ayaw kong malaman ni mama na may karelasyon na ako at s'ya pa na anak ng amo ko.

Bakas sa mukha ni Inno ang pag-aalala nang pagbuksan ako nito ng pinto ng sasakyan n'ya. Pagsakay ko ay dali-dali itong umikot at pumasok.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong nito sa akin na sinagot ko lang ng isang iling.

Hinawakan nito ang noo ko pero padarag kong inalis ang kamay n'ya. Nagulat ito sa ginawa ko.

"What's wrong, Ahlia?" seryosong tanong nito. Akala ko ay magagalit s'ya pero nanatili itong kalmado.

"Sabi kasing ayaw ko umalis at gusto ko nga na magpahinga nalang sa bahay. Hindi nga kasi maganda ang pakiramdam ko, namimilit ka pa."

Hinihingal ako pagkatapos kong sabihin 'yon. Hindi ko alam ang naging reaksyon n'ya dahil nakabaling ako sa bintana at hindi ko s'ya kayang tignan.

Nagulat ako nang kuhain nito ang kamay ko at hinalikan n'ya iyon ng paulit-ulit.

"Sorry, I just want to be with you." sabi nito sa nanunuyong tono. Hindi naman ako sumagot.

Pinatakbo nito ang kotse habang ang isang kamay ko ay hawak pa rin n'ya. Hinahalikan n'ya iyon ng paulit-ulit. Hinayaan ko nalang at hindi na s'ya kinausap.

Rated SPG ka ba?Where stories live. Discover now