KABANATA 13

11K 176 20
                                    


KABANATA 13

Hindi na ako mapakali matapos kong malaman kay Mayora na bumalik ng Tagaytay si Inno. Agad akong nag-chat kay Arah sa Facebook para humingi ng payo.

Ahlia Blair:
Arah!!!!!

Arah Quincel:
Ano????? DEDEDE KA?

Ahlia Blair:
Parang sira. Si Inno kasi

Arah Quincel:
Si Inno dedede?

Napairap ako. Lintik talaga itong babaeng 'to.

Ahlia Blair:
Gago! Si Inno diba umuwi na ng Manila tapos diba nakipaghiwalay ako. Bumalik daw dito

Arah Quincel:
LUHHHH GANDA KA GHORL?!!!! OMG!!!!!

Ahlia Blair:
Anong gagawin ko

Arah Quincel:
Tanggapin mo uli with open arms and legs!

Napabuntong-hininga ako. Ano ba naman itong kausap ko!

Ahlia Blair:
Arah kasi parang tanga

Arah Quincel:
Ikaw yung parang tanga dahil sinabihan na kita na di maganda plano mo oh ngayon bumalik ano ka ngayon lagot ka ngayon mata mo lang walang kiss mark!

Nasapo ko ang noo ko. Akala ko kasi kapag hiniwalayan ko s'ya ng gano'ng paraan, hahayaan nalang n'ya ako dahil may Charm naman s'ya do'n. Hindi ako nakapaghanda ng gagawin kung sakaling ganito ang mangyari!

Arah Quincel:
Sinasabi ko kasi sayo yang kaartehan mo may kalalagyan yan at ayan na nga malalagay ka na ulit sa piling nya hihihi

Ahlia Blair:
Lintik ka

Arah Quincel:
Good luck nalang sayo sis if I know happy ka naman talaga kasi binalikan ka lakas kaya makafeeling pretty sana all binabalikan diba punyeta!

Ahlia Blair:
Ewan ko sayo Arah

Arah Quincel:
Siguro kaya mo sya iniwan basta basta hindi dahil natatakot kang malaman yung totoo noh? Kundi dahil kahit malaman mo ang totoo pero dahil marupok ka sa kaguwapuhan ni Inno alam mo sa sarili mo na konting suyo lang nya sayo bibigay kana uli!!!!

Napakagat ako ng labi sa sinabi ni Arah. Dahil totoo. Sobrang rupok ko kay Inno na alam kong konting lambing lang n'ya, kahit totoong sila ni Charm, kung ako ang pinili n'ya, alam ko sa sarili ko na mapapatawad ko s'ya. At para sa'kin mali 'yun, dahil dapat kapag niloko ka 'wag mong hahayaan na bigyan s'ya ng pagkakataon na lokohin ka ulit!

Imbes na malinawan ay parang lalo pa akong naguluhan dahil sa naging chat namin ng baliw na si Arah.

Pero dumaan ang maghapon ay wala namang Inno na nagpakita o nagparamdam sa'kin. Dahil do'n, ang taksil at umasa kong puso ay nakaramdam ng lungkot. Pero pilit kong nilabanan ang panlulumo. Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na iyon ang makakabuti, ang hindi na kami magkita pang muli.

Naglalakad ako papunta sa sakayan ng jeep nang biglang bumagal ang mga hakbang ko. Kumabog ng malakas ang dibdib ko at nanghina ang mga tuhod ko.

Lintik. Totoo nga... nandito nga s'ya ulit. Sa 'di kalayuan ay naka-park ang sasakyang gamit n'ya. Lalo pa akong nanginig nang umandar ito at huminto ito sa harap ko.

Rated SPG ka ba?Where stories live. Discover now