KABANATA 29

10.1K 182 5
                                    


KABANATA 29

Inis kong iniwan si Inno sa pantry. Bumalik nalang ulit ako sa desk ko. Ilang sandali lang, dumaan ito sa akin at naglapag ng isang litro ng Chuckie, baso, at slice ng chocolate cake at saka bumalik sa opisina n'ya. Natakam ako agad.

"Ma'am," tawag sa akin ng babae sa likod ko. S'ya 'yong sekretarya na nakapuwesto sa office na katapat ng pantry na tingin ko ay office ni Tj. Nilingon ko ito.

"Hello po. Nice to meet you po. I'm Lyka." sabi nito na malaki ang ngiti.

"Ay, ako naman ma'am, I'm Darlene pala." sabi naman noong sekretarya ni Inno kaya nilingon ko din ito.

Nahihiya akong ngumiti sa kanila. "Please po, 'wag n'yo po akong i-Ma'am. Sekretarya din po ako tulad n'yo. Maiilang po ako kapag tinuring n'yo ako na iba." sabi ko. Napangiti sila.

"Sige, Ahlia." sagot ni Darlene.

Isang oras ang lumipas at dumating na rin si Timothy. Sinabi nito na maglunch muna ako pero nabusog ako sa cake at naubos ko 'yung isang litro ng Chuckie kaya tinanggihan ko na s'ya.

Dahil doon ay pinapasok na ako nito sa opisina n'ya at pinaupo sa long table n'ya doon. Tapos ay lumabas s'ya saglit at kinausap ang sekretarya ni Inno at saka pumasok sa opisina nito.

Pagbalik ni Tim sa opisina n'ya ay nagsimula agad itong ipaliwanag sa akin ang magiging trabaho ko. Halos pareho iyon sa ginagawa ko sa Dubai pero mas nadagdagan lang ng kaunti dahil Chief Operating Officer si Tim kaya mas involved s'ya sa operations kumpara sa CEO. Halos lahat ng Departments ay sakop ng trabaho n'ya kaya lahat iyon ay pinaliwanag n'ya sa akin.

Inabot kami ng hapon dahil sa dami. Hindi na namin halos namalayang tatlong oras nalang ay tapos na ang duty ko.

"Kaya ba? I'm going to be honest with you, Ahlia. There will be times na sosobra sa 9 hours ang trabaho per day. Hands-on talaga kasi ako sobra kaya may mga araw na talagang pumupunta ako sa mga sites. Alam mo na, bago lang ang kumpanya, gusto namin ni Inno na maging maganda at consistent ang reputasyon natin para mas dumami ang kliyente."

Tumangu-tango ako sa sinabi n'ya. Bayad naman din kasi ang OT kaya walang problema.

"Speaking of Inno, nai-kwento sa akin na inakala pala nilang bisita ka lang n'ya?" natawa ito at napairap naman ako.

"Nakita mo tuloy 'yung altar mo sa opisina n'ya?" Lalo itong natawa at ako naman ay masama na ang titig sa kan'ya. Tinutukoy kasi nito 'yong painting ko sa opisina ng baliw na si Inno.

"Sorry. 'Wag ka mag-reresign." natatawa pa rin n'yang sabi.

May kumatok sa opisina n'ya at nang bumukas ay dumungaw si Inno. Speaking of the devil.

"Tagal naman. Uwi na kami." seryosong sabi nito.

Umirap ako at nilingon ko si Tim at tinanguan ko ito. "Sige na Tim. Tapos mo na naman i-discuss lahat. You can go. Magbabasa-basa nalang ako dito habang inaantay ko ang oras." sabi ko.

Pero nagtaka ako dahil bigla itong natawa ulit.

"You really think he's talking about me?" sabi nito habang tumatawa pa rin.

Kumunot ang noo ko saglit pero narealize ko rin agad ang tinutukoy n'ya.

"Pinagod mo yata. Wala sa usapan natin 'yan." seryosong sabi ulit ni Inno at tuluyan nang pumasok sa loob. Ngayon tuloy ay kita ko na ang buong katawan n'ya at nagulat ako dahil hawak na nito ang bag ko.

"Wow? Pumayag na ba akong sumabay sa'yo?" pataray kong sabi. Lintik talaga!

"On bended knee daw muna ulit, bro." sabi ni Tim na nagpasama ng mukha ni Inno kaya natawa na naman ito.

Rated SPG ka ba?Where stories live. Discover now