KABANATA 31

10.7K 219 20
                                    


KABANATA 31

Tulala lamang ako habang nasa mesa kami, busy na rin naman sa cellphone ang tatlo kaya wala nang nakibo.

"Hey, babe." Humalik ang kararating lang na si Tj sa pisngi ni Daisy. Nang makita ko kung sino ang nasa likod nito ay napaayos ako ng upo.

"Hi Tim! Hi Inno!" masayang bati ni Veron sa kanila.

Akala ko ba si Tj lang ang susunod? Kaya hindi pa kami kumakain at drinks palang ang orders dahil antayin na daw namin si Tj.

Dahil bakante ang tabi ko ay doon umupo si Inno. Nahiya ako agad at medyo umurong ng onti palayo sa kan'ya.

Nag-order kami ng pagkain. Bulalo ang specialty ng restaurant nina Arah pero ang paborito kong order-in kapag narito kami ay pork sisig at inihaw na bangus.

Nang dumating na ang mga order namin, nagsandok si Inno ng kanin at nilagay iyon sa plato ko. Tapos ay sumandok naman s'ya ng sisig at kumuha ng bangus at nilagay din iyon sa akin. Tinanggal n'ya pa ang mga litaw-litaw na tinik.

Tahimik ko s'yang tinignan. Ang mukha n'ya ay seryoso lang. Walang bakas ng ngiti. Nagbuntong-hininga ako.

"Tang inang 'di pinapansin 'yan?"

Napatingin ako kay Arah dahil sa sinabi n'ya. Nakahawak ito sa dibdib n'ya na parang offended.

"Sana all gan'yan mangdedma, 'no? Kulang nalang subuan ka!"

Pinanlakihan ko ito ng mata pero umirap at dumila lang ito sa akin.

Si Veron ay natatawa na. "Engot ka talaga, Ahlia." sabi pa nito.

"Obobs." si Daisy naman.

"What happened?" si Inno na ngayon na nagtataka ang mukha.

"Nagrereklamo sa amin 'yan na hindi mo raw s'ya pinapansin. Gan'yan pala hindi mamansin? Bakit si Tristan hindi gan'yan? Kaibiganin mo nga si Tristan ko, Inno, at parupukin mo rin." nailing-iling ang sarcastic na si Arah.

Napatingin si Inno sa akin, mapupungay ang mga mata. Nagbuntong-hininga ito.

Wala na ulit nagsalita kaya kumain nalang kami. Ilang saglit pa nang matapos kami, nag-aya agad si Inno na umalis na daw kaming dalawa.

"Sana all, talaga. Sana all." si Arah nang tumatayo na kami at nagpapaalam na ako sa kanila. Napailing nalang ako.

"Saan tayo?" nahihiyang sabi ko kay Inno nang makasakay kami ng kotse n'ya.

"Saan mo gusto?"

Napayuko ako at nahihiyang sumagot. "Sa bahay mo nalang."

"Alright."

Pinatakbo nito ang sasakyan at agad din naman kaming nakarating sa bahay n'ya. Pagpasok sa loob ay umupo ako sa couch at tumabi s'ya sa akin nang may isang dangkal ang distansya.

"You thought I'm ignoring you?" Walang paligoyligoy nitong tanong. Tumango naman ako.

Bahagya s'yang natawa. "It was you who was ignoring me, Ahlia. I still pick you up going to work and send you home after, right? I still eat lunch with you, too. Saan doon ang in-ignore kita?"

Rated SPG ka ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon