Chapter 01

345K 11.1K 6K
                                    

#IrrefutablyYours Chapter 01

The party was cancelled. Pinapanood ko ngayon na ligpitin iyong mga lamesa. Ilang ulit na akong humihinga nang malalim para pigilin iyong sarili ko sa pag-iyak. Kanina pa ako tinitignan nang mga tao na parang awang-awa na sila sa akin...

Top 2...

Top 2 ako sa Physician's licensure exam...

Pero syempre, hindi ako top 1 kaya hindi masaya si Mommy.

"Tinabi ko iyong cake sa kwarto mo," Daddy said, tapping my back.

I looked at him, trying to smile despite the feeling of disappointment that was drowning me. "Thanks, Dy..."

"Proud kami sa 'yo."

"Sana si Mommy din..."

Saglit na nawala iyong ngiti sa mukha niya. I knew he always tried to talk to Mommy about this... Na sana ma-appreciate niya naman kahit papaano... I worked my ass off. Literal na sa mga panahon na nagrereview ako, swerte na kung maka-apat na oras ang tulog ko... Akala ko nga mababaliw na ako noon kasi pati kwarto ko, puno ng reviewer ang naka-dikit sa pader.

But someone fared better.

Demoted ako sa Top 2.

"Ano ka ba, Niles? Matalino ka. Alam mo naman 'yan," Daddy said, trying to make me feel better. "Gusto mo ba ipuslit ko rin iyong lechon sa kwarto mo para ngumiti ka nang kaunti?"

I finally laughed. Si Daddy talaga...

"No, okay na ako sa cake, Dy... Pero ano'ng gagawin sa lechon? Pati sa mga handa?" tanong ko... 'Di ko kasi talaga alam kung ano ba ang plano ni Mommy... Hindi ko naman kasi sinabi sa kanya na maghanda nang ganito kasi malay ko ba kung magta-top ako sa boards? But I did my best. God knows I did my absolute best...

Daddy shrugged. "Ewan ko. Pabayaan natin 'yang Mommy mong isipin kung ano'ng gagawin niya sa sangkaterbang pagkain na 'yan," he said, draping his arm over my shoulders. "Tara, tawagin natin mga kapatid mo tapos kainin na lang natin iyong cake mo," he continued, making me smile. "Di pa rin ako maka-paniwala na may doktora na akong anak!" And then he kissed the top of my head.

Life's still good. I had the most supportive father... Okay na rin siguro.

* * *

"Sino 'yung kausap mo, nak?" Daddy asked when I had to excuse myself from the table. Usually, hindi ako sumasagot ng mga tawag kapag galing sa unregistered number... pero kasi ito... pangatlong beses na. Nung una, tawag mula sa isang representative ng hospital, tinatanong kung interested daw ba ako na magresidency sa kanila. Iyong pangalawa, ganoon ulit galing naman sa ibang hospital...

"Offer lang po," simpleng sagot ko. Nakita ko na sumaglit ng tingin sa akin si Mommy. Hindi pa rin siya masaya na Top 2 ako sa board exam... Babalik na ulit ako sa pag-aaral, tapos 'di pa rin niya ako pinapansin... 'Di ko pa naman alam kung kailan ulit ako makaka-uwi kasi sobrang hectic ng schedule...

"Galing kanino?"

"St. Luke's."

Nanlaki ang mga mata ni Daddy. "Talaga? Para saan naman daw?"

"Scholarship basta daw sa kanila ako magreresidency," simpleng sagot ko.

"My, narinig mo 'yun? May offer! Galing talaga nitong panganay natin!" he said proudly, but Mommy merely nodded her head.

I felt this sad feeling inside my chest again... Ano pa ba'ng kailangan kong gawin para maging proud siya sa akin? Isang 'Congrats, anak' lang naman ang gusto kong marinig sa kanya... Iyon lang. Iyon lang talaga...

(Yours Series # 1) Irrefutably Yours (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon