Chapter 05

185K 8.2K 5.7K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#IrrefutablyYours Chapter 05

Sobrang pagod na ng katawang tao ko... pero nang bigla kong makita ang Papa ko sa hallway, agad akong napa-tigil. Halos takbuhin ko iyong distansya kaya lang ay naalala ko na bawal nga palang tumakbo dito.

"Pa!"

"Pasensya na at bigla kaming pumunta. Busy ka ba sa trabaho? Hintayin namin—"

"Grabe naman siya!" natatawang sabi ko.

"Baka kasi naka-duty ka."

"Lagi naman akong naka-duty, Pa," I replied. "Bat kayo napadpad dito?"

Nasa Manila ako nagta-trabaho tapos nasa probinsya ang pamilya ko. Nandun din kasi iyong trabaho nila. Pinupuntahan naman nila ako sa Maynila kasi hindi talaga ako nakaka-uwi masyado, e. Medyo nabigla lang ako ngayon kasi usually nagsasabi naman sila.

"Wala lang," he replied. "May dala kaming pagkain sa sasakyan. Baka noodles na naman kinakain mo."

Natawa ako. "Thanks, Pa," I said. "Si Mommy?"

Lumingon si Papa na parang hinahanap si Mommy. Napa-tingin din tuloy ako roon. Mommy was obliviously walking. She's really... something. Tahimik lang siya, but even then, her silence's unnerving.

"Naka-sunod lang sa akin kanina, e..." nagtatakang sabi niya. "May oras ka ba ngayon? Pwede ka bang kumain?"

Mabilis akong tumango. Grabe naman. Pwede naman akong kumain. Medyo mas maluwag naman na ngayon compared nung hamak na intern pa lang ako.

Hinanap namin si Mommy. Tinour ko na rin si Papa sa ospital. Sinabi ko sa kanya iyong mga usual na ginagawa ko rito at sobrang saya sa feeling kasi kitang-kita ko kung gaano siya ka-proud sa akin. Pinakilala ko rin siya sa mga naka-salubong namin na workmate ko.

"Ma—" I called when we finally saw her.

"Di ba 'yun 'yung top 1?" tanong niya habang naka-tingin kay Marcus na tahimik na may binabasa sa clipboard na hawak niya.

"Ah... Opo."

She was silent.

Then she started walking.

And just like that, the smile on my face disappeared.

* * *

"Ang toxic," sabi ko sabay upo.

"Ang toxic mo ngayon, girl," sabi ni Yanyan. "Sabi mo 'di ka aattitude sa interns kapag resident ka na? Ano 'yung kanina?"

Sobrang na-badtrip kasi ako kay Mommy. Buong lunch namin, hindi siya nagsalita. Hindi na rin ako nagsalita. Si Papa lang iyong parang tanga na nagsasalita. Hindi naman ako tanga para hindi malaman na iyong silent treatment niya ay dahil nakita niya si Marcus kanina.

"I know..." I said, sighing. "Sobrang pota lang ng araw na 'to."

Naghiga ako sa kama. I was hiding. Baka may mabulyawan ako. Badtrip talaga ako. Gusto ko ng umuwi at matulog. I needed to reset the day. Ang pangit na kasi ngayon.

"Ano ba'ng meron? May pasaway na matanda na naman ba?" she asked. Usually kasi matatanda iyong patients sa IM. Okay lang naman ako sa kanila. Minsan lang 'di naman talaga maiiwasan iyong mga makulit at pasaway—but they're fine since they're my patients... pero iyong kanina? It's so freaking unfair.

Top 2 na ako.

Kulang pa ba talaga 'yun?

'Yung iba nga pumasa lang pero sobrang saya na ng pamilya nila para sa kanila... Ako, nagtop pa pero parang sobrang kulang pa.

(Yours Series # 1) Irrefutably Yours (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon