Chapter 10

176K 10.1K 8.1K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.


#IrrefutablyYours Chapter 10

I took deep breaths.

Hindi ko nabilang kung ilan bago ako kumatok. Basta ang alam ko, kumatok na lang ako. Ayoko na kasing i-delay. Matanda naman na kaming dalawa. Sabihin niya sa akin kung ano ang trip niya at baka masakyan ko pa. Basta gusto ko lang sana ay honest siya—kagaya nung pinangako niya sa akin nung una pa lang.

"Niles?" sagot niya nang buksan niya ang pinto.

"Busy ka?" tanong ko. Sumilip ako sa likuran niya dahil baka nandito si Marian. Wala pa naman ako sa mood pagpasensyahan siya. Oo mas bata siya sa akin, pero 'di naman ako ganoon ka-bastos nung ka-edad niya ako. 'Di ko talaga alam kung ano ang trip ng isang 'yun.

"Not really... Bakit pala? 'Di ka naman nagtext—"

"Nag-apply ka ba for Bukidnon?"

"What?" sagot niya habang naka-kunot ang noo.

"Sabi ni Dr. Cuesta—"

"Kailan kayo nag-usap?"

"Stop deflecting and just answer the question," mabilis na sagot ko. This definitely wasn't my night. I was still reeling from the discussion I had with my mother—definitely ay wala akong pasensya sa mga palusot ni Marcus ngayon.

"Ano ba 'to, Niles?"

"Nagvolunteer ka ba sa Bukidnon?"

"Oo."

"Dahil nandun din si Joey, right?"

Nakita ko kung paano umigting ang panga niya. I took a step back and drew a deep breath. Then I slowly nodded my head.

"Oh... Okay," I said, trying to fix a smile on my face. "I get it."

Sinubukan niyang humakbang palapit sa akin, pero mabilis akong humakbang paatras. Hanggang sa maramdaman ko na iyong pader sa likuran ko.

"Niles—"

"No," I said, shaking my head as I fought hard to retain the smile on my face. "It's all good..." sabi ko sa kanya. "Sinabi mo naman sa 'kin sa simula pa lang na wala ka talagang feelings o kung anuman."

"Niles—"

"But I can't do this shit anymore, Marcus. I can't just wait until you decide kung tapos ka na ba kay Joey o kung anuman ang trip mo sa buhay. You promised me honesty but you couldn't even give me that. Parang tanga lang."

Mabilis kong hinawakan ang mga kamay ko.

Ramdam na ramdam ko iyong panginginig nila.

Tumalikod ako at nagsimulang maglakad, pero bago pa man ako maka-layo, naramdaman ko ang hawak niya sa kamay ko.

"Sandali lang naman," sabi niya habang naka-hawak sa akin.

"Bakit?" tanong ko. "It's not like we're officially together or something. Nagde-date lang naman tayo, right? 'Di naman natin kailangan ng official break-up."

Kita ko iyong simula ng inis sa mukha niya.

Siya pa ang may ganang mainis.

"Sandali lang, okay?" sagot niya. "Bigla kang pupunta dito tapos magsasabi ka ng ganyan. San ba 'to nanggagaling? Ano ba 'yung—"

"Sabi mo sa 'kin hindi mo tinanggap iyong offer dahil ayaw mo lang. Hindi mo sinabi na balak mo pa lang sundan si Joey sa Bukidnon."

Lumuwag ang pagkaka-hawak niya sa akin. I saw him drawing a deep breath. He licked his lower lip and stared at me.

(Yours Series # 1) Irrefutably Yours (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon