Chapter 06

184K 8.4K 4.1K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.


#IrrefutablyYours Chapter 06

I woke up with a pretty massive headache. Ano'ng oras na ako naka-tulog! Nawala na iyong lasing ko sa beer pero hindi naman ako maka-alis dahil naka-palibot iyong mga braso at binti ni Marcus sa akin! Ibang klase talaga! Minsan, iniisip ko talaga kung ano ang trip ng lalaking 'to... Hindi ko gets kung paasa or dense lang, e.

Huh.

Saying that he's paasa would imply na umaasa ako.

Whatever.

After taking a quick nap, naligo na ako. Mabuti na lang at girl scout ako at laging may dalang extra clothes at toiletries. College pa lang ay kung saan-saan na ako hinahatak.

Kumatok ako sa kwarto ni Marcus pero walang sumasagot. Tulog pa kaya 'yun? Mas maaga pa nga siyang naka-tulog sa akin, e! Asar talaga! Paano naman ako matutulog kung ramdam na ramdam ko iyong balat niya sa akin?! First time kong matulog katabi ang lalaking gwapo na may well-defined abs!

I tried calling Marcus kaya lang ay hindi siya sumasagot. Dumiretso na lang ako sa resto. I got myself a nice plate of breakfast. Deserve ko naman 'to after ng kalokohan na nangyari kagabi.

But while I was trying to enjoy a quiet breakfast, medyo kumunot ang noo ko. I squinted my eyes to check kung tama ba ang nakikita ko...

Shit! Ang labo talaga ng mata ko!

I got my phone and tried to zoom in. Si Marcus ba 'yun? Siya ba iyong nagsusurfing? If that's him... wow.

I was religiously eating my bread while watching him surf. Ang bilis na naubos ng kape ko dahil bigla akong nauhaw. Even from a distance, sobrang nakaka-wow talaga siya.

"He's so hot."

Agad akong napa-tigil sa paglalakad nang marinig kong magsalita iyong babae sa kabilang lamesa. I was trying to get a refill of my coffee nang marinig ko sila.

"Right? You think he's with someone?"

"Hope not," sagot nung babae na naka-red string bikini. Ang agad-agad pa, e! "Let's finish our breakfast na and let's introduce ourselves."

Then they giggled.

God, this was annoying.

I aborted the coffee plan and grabbed my things. Naglakad ako papunta sa shore. Hinanap ko kung nasaan iyong gamit ni Marcus at nang makita ko iyong tsinelas niya, doon ako naupo. Patingin-tingin ako sa likod ko. Saan na ba si Marcus?! Pag naman siguro nakita nung mga babaeng 'yun na may kasama, hindi na siguro sila magpapa-kilala.

Huh. Bakit ang territorial ko naman ata?

Pero may hangups pa rin naman si Marcus kay Joey... I'd just think of this as me saving those two from possible heartache.

Right.

Iyon lang 'yun.

"Niles."

Halos magulat ako nang marinig ko ang pangalan ko. Sobrang lalim ata ng iniisip ko para hindi ko mapansin na nandito na pala siya sa harap ko. He was carrying the surfing board with him and he was dripping wet.

God, those frigging abs! Who has the time to go to the gym?!

"O-oh," I replied after collecting myself.

'Stop staring at the abs, Niles!' I reprimanded myself.

"Kanina ka pa?" he asked while combing through his hair using his fingers. Seriously. Why was I watching his every move?

(Yours Series # 1) Irrefutably Yours (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon