Final Chapter

295K 13.4K 6.3K
                                    

#IrrefutablyYours Final Chapter

Ni hindi pa ako nakaka-layo nang marinig kong tawagin ako ni Marcus. Agad akong napa-hinto sa paglalakad at saka humarap sa kanya.

"Tapos na kayong mag-usap?" I asked.

He nodded. "Yeah... May pupuntahan pa ata siya."

"Ah... Pero nakapag-usap kayo?"

"Not really... I asked her for coffee, though? Kung okay lang sa 'yo?"

"Basta kape lang," I said, my brow slightly arched.

His lips parted. "Niles naman!"

I laughed. "Joke lang! 'To naman!" I said, stealing his usual line.

Sabay kaming naglakad. This was actually our favorite spot sa hospital, iyong maliit na garden sa labas. Walang masyadong tao dito... weird. Dito pa naman masarap tumambay kasi may mga puno at saka alaga iyong mga bulaklak.

"Kapag nag-usap kayo, magpaliwanag ka na saka kausapin mo na rin si Psalm para matapos na 'yan," I said.

"Oo nga. Samahan mo ko."

"Bakit ako sasama?"

"Baka suntukin ako ni Psalm."

Napa-irap ako. "Ano silbi niyang muscles mo? Takot ka kay Psalm?"

"Parang 'di naman siya 'yung tipong manununtok kaso iyong ginawa ko—"

"Kasuntuk-suntok?" I asked and he nodded like a puppy. Natawa ako. I patted his cheek. "Just apologize. Apologies can do wonders, you know?"

'Di naman maiiwasan na may magawang mali.

But I believe that apologies, if done sincerely, should be enough... in some way... Although it's hard to dictate kung paano ba dapat magmove on ang isang tao.

Grabe.

Ang complicated talaga ng human feelings.

"Nga pala," sabi ko sa kanya.

"Bakit?"

Humigpit ang hawak ko.

Huminga ako nang malalim.

"Marcus," I called.

"Nileen," he replied, trying to be funny.

I snarked at him. "Seryoso kasi."

Umayos siya ng tayo. "Okay. Seryoso na."

Huminga akong muli nang malalim. Kinuha ko mula sa bulsa ng coat ko iyong PT na naka-balot sa tissue. Kunut-noo na naka-tingin doon si Marcus.

"Ano 'yan?"

"Pregnancy test."

His eyes widened a little. "Oh..."

"Sabi mo sabay nating tignan."

Mabilis siyang tumango. "Gusto mong maupo muna?"

Umiling ako. "No. Tignan na natin."

"Okay," he replied, nodding.

Gusto ko nang buksan kaso lang ay nanginginig ang kamay ko. Marcus reached for my hands and held them.

"Negative or positive, nandito lang ako, okay?" he said, holding my hands and looking straight into my eyes. "Pagpositive, diretso tayo sa OB. Kapag negative, bili tayong milktea, okay?"

Natawa ako. "Baliw."

Ngumiti siya tapos ay hinalikan ako sa noo. "Gusto mo ba ako na tumingin?" he asked and I nodded like a scared puppy. Huminga nang malalim si Marcus bago inagaw iyong PT mula sa kamay ko. Mabilis akong pumikit habang hinihintay na sabihin niya sa akin kung ano ba ang resulta.

"Ano?" I asked dahil ilang segundo na ang lumipas at wala pa rin siyang sinasabi. "Di mo ba alam kung paano—"

"Ano'ng flavor ng milktea?"

"Negative?" I asked.

But then he showed me the result and my eyes widened when I saw 2 lines.

"Bili muna tayong milktea tapos diretso tayo sa—"

"Ang epal! Bakit 'di mo agad sinabi na positive?!" I shouted and he laughed while he was letting me hit him.

"Para surprise!" he replied. "Aray naman, Niles! Napaka-bigat talaga ng kamay mo!" sabi niya habang hinahampas ko siya at napa-tigil lang kami dahil dumaan iyong mga attending. Pareho kaming umayos ng tayo habang bumabati sa kanila.

"Ano? Bili muna tayong milktea?" he asked nang maka-alis na iyong mga attending.

"Punta na tayong OB para sure."

"Okay," he said and then he began walking. "Okay ka lang ba?" he asked.

"Ha? Bakit naman?"

"Di ba... ayaw mo pa naman?"

I shrugged. "I honestly don't know how to feel. Gusto ko namang magka-baby kaso parang hindi pa right time... But then again, wala naman talagang right time, 'di ba? Concept lang naman 'yan na ginawa ng mga tao—tayo naman ang gagawa talaga ng right time," I said and then looked at him. "Pero... nandito ka lang naman, 'di ba?" I asked and he nodded. I smiled at him. "Then I'll be fine."

He reached for my hand and held it.

"We'll be fine," he said, smiling back at me. 

(Yours Series # 1) Irrefutably Yours (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon