Chapter 11

183K 8.8K 6.9K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.


#IrrefutablyYours Chapter 11

Ano ba 'yan.

Ang lungkot naman.

Nagpaalam na ako sa mga kasama ko. It's my birthday. May mga nagmessage naman na sa akin na bumabati pero syempre iba pa rin kapag personal. 'Di rin naman kasalanan ng mga kasama ko rito... 'Di ko naman kasi pinagkakalat na birthday ko. Nakaka-hiya.

Although mas nakaka-lungkot.

Tsk.

Maka-bili na nga lang ng beer at maka-tulog nang maaga.

After ng shift ko, dumiretso ako sa convenience store. Ito talaga ang favorite ko rito sa Japan! Halos isang taon na ako rito pero sobrang aliw pa rin magpunta sa convenience store!

Bumili ako ng 6-pack and kung anu-anong pwedeng kainin. Maka-nood na lang siguro ng Netflix. Wala naman akong pasok bukas.

"Leche talaga 'yung lalaking 'yun," I murmured to myself habang naglalakad ako pabalik sa apartment ko. I knew I told him na hindi niya naman ako kailangang itext araw-araw kasi aware naman ako na hectic ang sched niya dahil doctor din naman ako! Pero grabe naman! Birthday ko naman! Paka-kupal naman talaga niyang si Marcus! Pagkatapos ko siyang itour dito nung pumunta siya! Epal talaga!

I probably looked like a kid na inagawan ng candy habang naglalakad ako. I was pouting and murmuring all the way. Kung hindi lang talaga therapeutic ang paglalakad, baka namatay na ako sa sobrang stress. Hirap pala talagang mag-isa! Akala ko hindi ako masyadong mahihirapan dahil simula naman nung nagcollege ako nasanay na akong tumira mag-isa... pero iba pala talaga kapag nasa ibang bansa ka tapos wala kang kasama.

Nakaka-miss ang Pilipinas.

Akalain mo 'yun?

Before I made a turn, inabot ko na iyong kamay ko sa bag ko para hanapin iyong susi para sana pagdating ko sa harap ng gate, bubuksan ko na lang. Hindi ko makita kaya naman tumingin ako sa bag ko. Nang makita ko siya, nag-angat ako ng tingin nang biglang manlaki ang mga mata ko.

"Surprise?" Marcus said, holding a couple of balloons and a teddy bear. "Happy birthday, Niles," he greeted with a warm smile on his face.

My lips parted.

I felt a stinging sensation around my eyes.

"Ang epal..." I said with my small voice. "Bakit ka nandito?"

"Malamang birthday mo," epal na sagot niya.

"Kaya ba 'di mo man lang ako binati simula kanina?" I asked kasi ang epal niya! Gabi na kaya! Akala ko nalimutan niya talaga na birthday ko!

He laughed. "Hinihintay mo ba 'yung greeting ko?"

"Malamang!" I said, hitting him on the chest.

"Sorry na. Gusto ko kasi personal, e," he said, then handed the bear. "Happy birthday, Niles," he continued with that freaking smile on his face that made it so fucking easy to forgive him sa mga kalokohan niya. "Ayaw mo kasi akong bigyan ng susi dito. E 'di sana nakapag-setup ako ng surprise sa kwarto mo."

I rolled my eyes. "E 'di sinakal ka ng tatay ko?"

Nagmeet na si Marcus at ang pamilya ko. Hindi siya planado. Epal kasi si Marcus, e. Sinabi ko na na 'wag niya na akong ihatid sa airport kasi ihahatid ako ng pamilya ko, malamang. E epal siya kaya pumunta pa rin siya sa airport. Akala ko si Mommy ang gigisa sa kanya dahil sa parents ko, si Mommy talaga ang nakaka-takot... Laking gulat ko nang si Daddy ang napaka-daming tanong! Grabe! Na-stress ako doon! Mas na-stress ata ako roon kaysa sa revalida ko!

(Yours Series # 1) Irrefutably Yours (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon