Chapter 07

186K 8.3K 4.7K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.


#IrrefutablyYours Chapter 07

"Ano 'to?" I asked Marcus nang abutan niya ako ng isang paper bag. Kahit hindi pa siya sumasagot, alam ko na na burger iyong naka-lagay dito kasi naaamoy ko na agad.

"Pagkain."

"Wow, thanks, Captain Obvious."

Marcus chuckled. Biglang nabulunan si Yanyan sa tabi ko. Napa-tingin tuloy kami ni Marcus sa kanya. Yanyan just smiled tapos biglang iniwan kami. Tsk.

"Narinig ko kahapon na gusto mo ng burger, e."

"Grabe... Napaka-stalker."

"Lakas kaya ng boses mo."

"Wow, hater?"

He laughed again. "Sige. Alis na ko."

Kumunot ang noo ko. "Pumunta ka talaga dito para lang iabot 'to?" I asked. Nasa quarters kasi kami ngayon. Ngayon lang ako naka-hanap ng pahinga. Gutom ako saka inaantok... pero for some reason, nanalo ang antok kaya sana matutulog na ako kaso nga lang biglang kumatok si Marcus.

He nodded. "Alis na talaga ako. Hinahanap na ako, e," he replied. Rinig ko na rin iyong kanina pang pagba-vibrate ng phone niya. Ngumiti lang siya sandali bago lumabas. Halos matumba pa si Yanyan dahil si gaga, nakikinig pala sa usapan namin. Parang tanga talaga! Sana 'di na siya lumabas kung mag-e-eavesdrop din pala.

Minsan, nakakapagduda kung paano pumasa sa boards si Yanyan.

"Okay ka lang?" Marcus asked pagkatapos alalayan na tumayo.

"Yes, doc. Salamat," Yanyan replied, smiling awkwardly.

Tumango lang si Marcus tapos tumingin ulit sa akin. "Alis na ko," he said before leaving. Nang magsara ang pinto, nanlaki ang mga mata ni Yanyan. It almost felt like nagbilang siya ng ilang segundo bago siya nagsqueal.

"What the fuck, Yanyan?!" sabi ko dahil ang tinis ng tili niya!

"Ano'ng meron sa inyo?!"

"Wala—"

"E bakit ka dinalhan ng food?!"

"Narinig niya na nagccrave ako—"

"Dami-daming tao dito na nagccrave ng kung anu-ano, binibigyan niya ba?!"

Napa-awang ang labi ko sa way ng pagtatanong ni Yanyan. Grabe. Parang may atake.

Nilagay ko iyong paper bag na bigay ni Marcus doon sa may vacant chair at saka umayos ako ng higa. Inaantok na kasi talaga ako. 3 oras lang iyong huling tulog ko.

"MU na ba kayo?" she asked habang naka-pikit na ang mata ko.

"Mukha mo."

"Napaka-damot naman nito."

"Wala naman akong ipagdadamot."

"Dati, lagi kang nagrereklamo na wala kang lalaki. Ngayon na may nagpaparamdam—"

"Good night, Yanyan," I cut her off tapos ay tumagilid na ako. Inaantok na kasi talaga ako. Saka ayokong magwonder masyado sa kung ano ang trip ni Marcus sa buhay. May hang-ups pa kay Joey iyon. Saka feel ko naman si Marcus iyong tipo ng tao na kung meron, sasabihin niya... Although debatable dahil ang tagal niyang naghintay kay Joey.

Pero iba naman na siya nung nakilala ko. Napaka-straight forward nga niya nung nasa Batanes kami, e.

Tsk.

(Yours Series # 1) Irrefutably Yours (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon