Chapter 03

207K 10.6K 13.1K
                                    

#IrrefutablyYours Chapter 03

Dahil sobrang lakas ng trip ni kuya guide, bigla tuloy akong nailang kay T1. Nung mga sumunod na pinuntahan namin, nagsolo na lang ako. Ewan ko kung nagtaka siya or what... Bahala na. Kaya naman talaga ako nandito sa Batanes ay para i-enjoy ang nature dahil alam ko na pagbalik ko sa Manila, sabak na naman ako sa trabaho. Iniisip ko pa lang 'yung duty ko, sumasakit na agad ulo ko!

"Ma'am, mga mata niyo..." tukso bigla sa akin ni kuya.

"Napaka-malisyoso niyo, kuya, ha," sabi ko sabay iwas ng tingin.

Nandito kasi kami ngayon sa Maydanged White Beach. Wala talaga palang masyadong tourist ngayon dahil kami lang ang tao dito.

"Kanina ka pa naka-tingin, Ma'am, e. Type mo?"

"Hala siya!"

Tumawa si Kuya. "Gusto mo tanungin ko kung single si Sir?"

Ano ba naman 'to! Napaka-malisyoso ni kuya!

"Ewan ko sa 'yo, kuya," sabi ko bago tumayo at saka naglakad-lakad na lang. 'To naman kasing si kuya! Hindi ko naman tinititigan si T1! Kasalanan ko ba na sa harap namin siya naghubad?! Magsu-swimming siya, malamang maghuhubad!

Saka may abs siya, no! Hindi ko kasalanan kung napa-tingin ako. Kumbaga, involuntary reaction ng mga mata ko! Sino ba naman ang hindi mapapa-tingin sa katawan ni T1?! Doctor ba talaga 'yun? Bakit naman ganoon iyong abs?! Parang pangswimmer!

Pagkatapos kong maglakad-lakad, doon ako naupo sa ilalim ng puno ng niyog. Bahala si kuya sa iisipin niya! Kahiya naman kasi! Tukso siya nang tukso. Mamaya marinig ni T1 iyon at isipin pa na crush ko siya.

Gwapo siya.

'Di ko siya crush.

Marunong lang talaga akong umappreciate ng gawa ni Lord.

Dahil ito na iyong last stop namin for today, parang sinusulit ni T1 iyong beach. Kanina pa siya nandun. 'Di kaya siya natatakot? Mukhang sanay na sanay sa tubig, e.

Shit.

Biglang nanlaki ang mga mata ko nang mapa-tingin siya sa direksyon ko. Kaka-ahon niya lang mula sa tubig at hinawi niya iyong tubig paalis sa mukha niya nang mapa-tingin siya sa akin. Mabilis na nagpanic ang buong sistema ko at nag-iwas ako ng tingin. Shit. 'Di naman siguro ganoon ka-linaw ang mata niya, no?! Medyo malayo naman ako sa kanya! 'Di naman siguro niya ako nakita!

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan! Hindi naman ilegal na tignan siya—although iyong abs niya feeling ko dapat ilegal! Seriously though! Saan siya kumukuha ng time para magkaroon ng ganoong abs?!

Nagfocus na lang ako sa binabasa ko. 'Di talaga ako fan ng tubig. Mahilig akong pumunta sa beach pero hindi ako naliligo. Trip ko lang talagang tumambay sa dalampasigan. Ewan ko ba. Hindi kasi ako mapanatag na hindi ko nakikita iyong tinatapakan ko.

Nang aalis na kami, nakita ko na naka-bihis na si T1. Tuyo na rin iyong buhok niya. Sa lakas ba naman ng hangin dito, e.

"Di ka nagswimming?" biglang tanong niya.

"Di ako mahilig," simpleng sagot ko.

"Magbabasa ka lang dito?"

"Why not?"

"Wala lang. Sayang naman."

"As long as nag-e-enjoy ako," I replied.

Ang toxic ng buhay ospital. Sobrang na-a-appreciate ko iyong mga ganitong tahimik na moment. Akala ko medyo kakalma nang kaunti ngayon na resident na ako, pero mali yata ako. Siguro kapag consultant na ako, medyo kalmado na, no? Feeling ko pa rin ngayon araw-araw mamamatay ako sa pagod, e.

(Yours Series # 1) Irrefutably Yours (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon