Chapter 2: Park

5 2 4
                                    


The next day I am happy to get up and fixing my blanket and fold it. 'Bah ito kasi yung unang beses na ako na yung nag aayos ng higaan ko.

Noon kasi andyan pa si manang Celine para mag ayos nito but this time wala na. Pinalayas ko wala kasi akong pang sahod sa kanya. Joke lang ang harsh ko naman pag ganun.

Sabado ngayun at naisipan kong pumasyal sa park na madalas naming pinupuntahan, ni mommy and daddy noong nabu-buhay pa sila. Kaya kinuha ko na ang towel na nasa loob ng walk'in closet ko. Agad din naman akong nag tungo sa banyo at naligo.

After 30 min, natapos nadin naman ako. Im just wearing simple white hung in and high waist denim short. At wearing a high cut shoes na may combination na color black then white, sinuot ko din yung eyeglass ko. Wala siyang grado guys, i just want to ware it para mag mukha akong genius.

Iba ang matalino sa genius noh!

Oo genius ang ibig sabihin sakin nun, sa iba naman you just a nerd. But i don't care it's just my definition. Pag katapos kong ma lock ang bahay ko, agad na akong nag lakad lakad. Walking distance lang ang park mula rito siguro fours hours. Makakarating kana sa park ^_^

Nag titipid ako guys, it depends kung gaano kayo ka bilis mag lakad. Talagang aabutin ka ng apat na oras, kong malapagong ka kung lumakad.

Bahala nang matusta wag lang ma ubusan ng pera ^__^

Time check! It's already 11: 56 am guys, successful nakarating nadin. Umalis ako ng bahay bandang 8 so nag lakad ako ng 3 hours. Whooo nakakapagod, parang hindi na ako fresh kung titignan pawisan na yung mukha ko at wala akong dalang panyo. Umupo muna ako sa ilalim ng puno at nag pahinga saglit, jusko parang hihimatayin na ata ako. Ang init pa naman sa daan, look na mumula na yung skin ko. Nauuhaw ako guys, kukuhanin ko na sana ang pera sa bulsa ko ng ma ala-ala ko na naiwan yung wallet ko.

T*ngina saan ako kukuha ng makakain ko ngayung tanghali? So ano plano mag lalakad na naman ako pauwi. Naman oh kapag minalas ka nga naman, sa sitwasyun ngayun kawawa ako pag hindi ako gagawa ng paraan.

Hindi naman ata pwede na umuwi ako at kukunin yung pera ko, nakakapagod kaya. Kayo kaya ang mag lakad sa gitna ng araw sa loob ng 3 oras, lakad takbo na nga kanina ang ginawa ko.

Talagang hindi nga mababawasan ang pera ko today! ×_×

Guys help, i don't know what to do! I really need your help. Nag palinga linga naman ako at may nakita akong may nag bibinta ng...

Croo* croo*



-__- Ano ba tawag dun? Meron siyang kulay blue, pink and yellow. Maka punta na ngalang dun.

"Ineng bibili ka ba?" Agad na alok ni lolo sa akin, gusto ko sana lolo kaso wala akong pera eh.

"Ah hindi po hehehe! Na gagandahan lang po ako sa mga kulay." Nakangiting sabi ko sabay tinginsa mga kulay na ewan ko anu tawag dun.


"Hahaha, ganun ba! Masarap tignan diba?" Nakangising sambit ni lolo.


Oo nga eh ang sarap tignan, alam niyo ba lolo na nabubusog na ako habang tinitignan ang mga yan.


"Hahaha, oo nga po lo!" Natatawang sabi ko.


"Alam mo bang masarap din yan kainin, kaya bilhin mo na ako ineng!" Sabi niya.



Ay binubula ata ako ni lolo dito ah, Ineng? Nicole po pangalan ko.


"Lolo hindi po ineng ang pangalan ko, Nicole po!" Sabi ko kay lolo na tumawa naman.


Falling InloveWhere stories live. Discover now