Chapter 10: Clinic

2 1 0
                                    

Nasa library ako ngayun, dito na ako dumeritso pagkatapos ng breaktime. Wala kaming pasok kasi wala din naman yung professor namin sa Geometry.

Sa Vargas Garden sana ang punta ko, kaso may naglalandian dun kaya dito ako napadpad. Mabuti nadin dito, payapa at malayo sa mga taong mapanghusga.

Lexie naman ay may pasok, yung mga kulokoy naman nasa hq. Inaya nga nila ako kanina na pumunta dun, kaso tumanggi ako hindi parin kasi ako sanay sa dalawang masungit nilang kasama. Sabi nga nila, baka daw hindi pa daw ako na niniwala totoong kaibigan ang turing nila sa akin.

Gusto ko lang kasi mag basa at mag relax, ito kasi ang stress reliever ko. Kailangan ng utak ko mag pahinga, sa katunayan kanina pa nga ako dito. Wala naman akong ibang ma pupuntanhan, alam kong malawak ang university nato pero library at garden lang talaga ang nag papakalma ng utak ko.

"Oh Ms. Park, alis kana?" Napalingon naman ako kay ma'am Val, ang isa sa mabait na librarians sa malaking library nato. 18 years old din siya, ayaw pa nga niya mag patawag na ma'am. But i still respect her, nag tatarabaho siya dito at isang simpleng estudyante lang naman ako dito.

"Ah hindi pa po! Babalik ko lang ito, tapos ko narin kasing basahin. At mag hahanap na naman po ako ng mababasa pa!" Mahinang sabi ko.

"Ganun ba!" Nakangiting sabi ni Ma'am Val. Kaya agad din naman ako nag pa alam sa kanya para mag hanap pa ng ibang libro.

Kasalukuyan ako ngayun nag hahanap, hanggang sa may na gustuhan ako. Kukunin kuna sana siya ng may kasabay ako na kumuha din nito sa kabila.

Pinilit ko itong hilahin pero hindi din nag pa awat yung humihila nito sa kabila. Hanggang sa nag hilahan nalang kaming dalawa, na parang mga bata.

"F*ck, bitiwan mo!" Dinig kong sabi niya, hindi ko kasi siya makita dahil natatakpan ng mga libro yung mukha niya. At saka ang tangkad din niya.

"Eh, ako yung na una!" Reklamo ko. Wala naman siguro may makakarinig samin dito, kasi nasa dulo kami.

"The hell i care!" Inis niyang sabi.

"Mag hanap ka nalang ng iba kuya!" Sabi ko sa lalaking, kahilahan ko.

"F*ck you! Don't call me kuya, your not my sister. At saka mukha ka pang matanda sa akin!" Asar na sabi niya.

Abah nanlait pa.

"Bitiwan muna lang kasi!" Naiinis ko namang sabi, nangangalay nadin kaya ako. Above the head ko kasi yung libro, kaya nangangalay nayung braso ko. Dagdagan pa at lakas manghila ni kuya.

"Asa ka!" Galit na sabi niya.

"Gusto ko to eh!" Parang batang sambit ko.

"Eh sa gusto ko din 'to, ako yung unang kumuha. So get off your f*cking dirty hands on the book! Bulyaw niya.

"Kung ikaw kaya bumitaw!" Sabi ko.

"Argh!" Sabi nalang niya at biglang binitawan ang libro.

Sumuko din! Bibigay lang din naman, papatagalin pa. Napansin ko naman na umikot yung lalaki, at papunta na ngayun kung saan ako hanggang sa...

"IKAW?" Sabay naming sigaw!

Kainis sa dinami dami ba naman ng pwedeng kahilahan siya pa talaga!

"Give me this F*cking book!" Pag ka sabi niya noon agad na niya hinablot ang librong hawak ko.

Hindi na ako umalma pa, wala din naman akong laban sa lalaking yun.

"Sungit sungit, kala mo naman may dalaw lagi."
Mahinang sabi ko.

Falling InloveWhere stories live. Discover now