Chapter 15: Plan?

3 1 0
                                    

Chapter 15: Plan?

Kinabukasan maaga akong pumunta sa school, nag commute narin ako kanina. Wala naman kasi si Val, ngayun ko lang nga siya na kasama iniwan na naman niya ako.

Wala talagang permanente sa mundo!

Mag isa ako ngayun nag lalakad sa hallway at kailangan ko pa palang dumaan sa Hq, naiwan ko kasi ang bag ko dahil sa pag mamadaling umuwi kahapon. Siguro hindi muna ako sasama sa kanila buong araw at sa susunod pa, inshort kailangan kong lumayo sa kanila. Ayoko na mapahamak ulit. Alam kong sermon na naman ang aabutin ko kay sungit Timothy, kasi ma pa parusahan yung kaibigan niya dahil nga daw sa katangahan ko.

At ayoko na makausap ulit si ma'am Zen nakakatakot siya promise, para siyang si Lexie. Ano ba kasi ang meron sa kanila at kinikilabutan ako?

Nandito na ako sa harap ng Hq, alam kong nandito silang lahat kaya kailangan kong ihanda ang sarili ko.

"Hinga ng malalim Nicole kaya mo yan, papasok kalang at kunwaring walang tao sa loob!" Sabi ko sa sarili ko.

Dahan dahan kong pinihit ang doorknob at binuksan ito, sumilip muna ako at nasa sofa sila at parang binagsakan ng langit at lupa ang mga mukha nila. May problema kaya sila? Ang seryoso kasi ng atmosphere dito sa loob.

Dahan dahan akong pumasok at gumapang sa sahig para hindi nila ako mapansin at makita. Nasa ilalim lang kasi ng mini table na nasa likuran ng sala, kaya possible na makikita nila ak--

"What do you think your doing?"

Patay kang panget ka!

Dahan dahan naman akong lumingon at nasa likoran ng pinto si Timothy, seryosong nakatingin sa akin habang nakapamulsa.

"K-kanina k-kapa diyan?" Nauutal kong tanong, hindi niya ako pinansin at seryosong tumingin sa mga kasama niya na nasa sofa. Kaya napalingon din ako dun, habang naka gapang position parin.

Bigla naman lumaki ang mata ko dahil lahat sila nakatingin sa akin, sabihin niyo nga hindi naman nila ako nakita diba?

"Hehehe, h-hi!" Tanging nasabi ko.

Shocks, takot ako sa titig nila.

"What the hell are doing here?" Galit na bulyaw ni Zhawn.

"K-kukunin k-ko lang yung b-bag ko na n-naiwan ko k-kahapo--- ARAY!" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko, ng sinadyang inapakan ni Timothy yung kanang kamay ko.

Salbaheng Timothy!

"Tanga!" Rinig kong sabi nito, tumayo naman si Karl at tinulungan akong tumayo.

Ako pa yung tanga?

"Thank you!" Sabi ko.

"Bakit ka andito? Bakit ka gumagapang?" Takang tanong niya

"Ah naiwan ko kasi yung bag ko kukunin ko lang naman sana!" Sabi ko, agad naman niya kinuha ang bag ko at inabot sa akin.

"Here! Better leave now!" Mahinang sabi nito, kaya tumango tango nalang ako.

Na fefeel ko na may masamang mangyayari din sa akin kaya, di ko na talaga makayanan na tumagal pa dito.

Saktong pag talikod ko ng...

May bumuhos sa ulo ko nang isang malamig na tubig.

"VARGAS!" Dinig kong sigaw nina Karl, Xavier, Terrence at Ashier ganun nadin si Jerome.

"Kulang payan sa ginawa mo!" Pag kasabi niya nun agad na siyang umalis, with matching binangga pa yung balikat ko.

"Shit, are you okay Nicole?" Nag aalalang tanong ni Karl.

Falling InloveWhere stories live. Discover now