Chapter 13: Break up Scene

3 1 0
                                    

"WHAT? ARE YOU INSANE! IPAG PAPALIT MO NA NGALANG AKO, SA BABAENG PALABOY PA TALAGA. GANYAN NA BA KA BABA ANG TASTE MO SA BABAE?"

Alam niyo bang kanina pa kami pinag titignan dito sa loob ng Jollibee.

Alam niyo ba kung sino yung sumigaw?

Alam niyo bang hiyang hiya na ako!

"Kainis! You heard it right, tanggapin mo nalang kasi na im breaking up with you!" Nakangiting sabi pa ni Ashier.

Ang tanga lang din niya noh? Paano maniniwala ang higad na babaeng yan kung nakangiti pa ang loko!

Iisipin ng babaeng yan na baka pina-prank lang siya ni Ashier.

"Terrence!" Nakapoker face kong tawag kay Terrence.

Kasi naman eh!

"Yes Nicolai?" Ngiting aso ang p*ta.

"Mapapatay ko talaga kayo ni Ashier, pag katapos nito!" Nangigigil kong sabi.

Alam niyo ba kung ano ang ginagawa namin dito? Alam niyo ba kung bakit nila ako sinama?

Alam niyo bang kailangan kong mag panggap na bagong gf ni Ashier, para hiwalayan na talaga siya ng malantod na babae na kanina pa sinisigaw kong gaano ako ka panget.

"Kasi naman pag sinabi namin, sasama kaba?" Sabi ni Terrence.

"Hindi!" Ma awtoridad kong sabi.

"Kaya nga hindi namin sinabi, dahil alam namin na hindi ka sasama!"

Antanga mo lang kasi Nicole! Alam mo naman na puro kalukuhan ang alam ng dalawang to! Sumama ka pa!

"Bakit ba ayaw, makipag hiwalay ng babaeng yan?" Takang tanong ko.

Hello dalawang oras na kaya kaming nandito.

"Ganyan talaga pag gwapo at sikat ang boyfriend!" Sabi ni Terrence sabay kain ng sundae.

"Sa susunod kasi, wag kayong mag jowa ng malandi! Para hindi kayo mahirapan makipag break!" Asar kong sabi.

"Noted!" Nakangising sabi ni Terrence.

Napairap nalang ako at tumingin sa dalawa na nasa kabilang table lang at panay sigawan.

"Bakit nga pala nakipag break si Ashier?" Tanong ko.

"Nag sasawa na daw siya, malapad daw kasi ang noo ng babae. Pang elementary ang hieght, at saka galit yan minsan sa malandi at saka ano... Laging nag aaya ng ano!" Naiilang sabi ni Terrence.

Ay puteks! Lakas manglait. Pero ano daw?

"Pinag bibigyan naman ba ni Ashier? " Tanong ko, aba pag oo ma bibigwasan ko talaga ang lalaking yun.

"Oo, chamba nayun!" Nakangising sabi ni Terrence.

Kaya pala siya tinatawag na f*ckboy!

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ako kay Ashier, at sinasakal na ito.

"Hoy lalaki, ang manyak mo talaga... Hindi ka man lang nag timpi, pinatulan mo pa talaga ang lintang babae na'to?" Nang gagalaiting sabi ko kay Ashier, habang si Terrence naman ay tawa ng tawa.

"At ikaw namang babae ka, ka babae mong tao kahit kanino mo nalang binibigay yang perlas mo. Lagyan mo kaya ng sili para ma bawasan naman yang kati mo--"

"T-teka Nicolai chillax, high blood ka masyado. Binibiro lang naman kita!" Awat sa akin ni Terrence.

Matalim ko naman siya binalingan ng tingin, at sa ngayun naman ay napakamot nalang ng batok niya.

Falling InloveWhere stories live. Discover now