Chapter 14: Talk

3 1 0
                                    

"Nicole, saan ka galing? Kanina pa kaya kita hinahanap!" Sabi ni Val.

Kakauwi lang kasi namin, at bumaba ako sa gate ng makita si Val na andun. Yung dalawa naman baka nasa Hq na.

"A-ah ano kasi pumunta kami sa mall, sinamahan kulang yung dalawang bata na matagal na hindi nakapag mall!" Walang ganang sabi ko.

"Nga pala bakit mo ako hinahanap?" Takang tanong ko.

Nag simula na kaming pa balik sa loob ng campus, naiwan kasi yung bag ko sa Hq. Kailangan ko kunin yun, uwian nadin kasi.

"Hinahanap ka ni Ma'am Zen!" Seryosong sabi nito, habang nag lalaakd na kami sa hallway.

"Si Ma'am Zen? Bakit daw?" Natatarantang tanong ko.

Puteks naman oh, akala ko tapos na yung nangyari. Hindi ba pwedeng kalimutan nalang yun?

"E-ewan ko! Tinawagan kasi ako ng isa sa mga librarian ang sabi daw ni Ma'am Zen hanapin daw kita!" Sabi niya.

"Naman oh! Nga pala bakit ikaw yung inutusan?" Nag tatakang tanong ko.

"Kasi alam nila na kilala kita, diba lagi ka sa library! At saka student na din ako dito, kaya ako inutusan!" Sabi niya.

"Bakit alam mo ba, kung bakit ka pinatawag?" Takang tanong ni Val.

"Kasi ano, may nag report daw kasi kay ma'am Zen yung tungkol sa nangyari sa akin sa library. Kaya nalaman ko nalang na gusto daw ako makausap ni Ma'am Zen! " sabi ko, ng nakayuko.

Na alala ko kasi lahat ng pa alala ni Timothy sa akin. Isang pag kakamali ko lang daw...

Arghh... Ayoko na!

"Ah yung duguan ka? Wala ka naman sigurong kasalanan diba, so bakit parang natatakot kang harapin siya?" Tanong nito.

"Kas--"

"Ashier, Terrence! I want to meet her, kailangan ma dala niyo dito ang Nicole na yan. As soon as possible!"

Patay!

"Halika dito!" Natatarantang sabi ko at agad hinila si Val sa likod ng isang building, ng makita ko si ma'am Zen sa harap ng pinto ng hq.

"Ayon si ma'am Zen oh! Tara na!" Sabi ni Val.

Bakit na gustong gusto niya makaharap ko si ma'am Zen?

"Baliw, ayoko nga! Tignan mo oh, nakakatakot siya. Halatang galit na galit, baka mapano pa ako niyan!" Kinakabahang sabi ko.

"Mabait si ma'am Zen, you don't need to worry! Hindi ka naman niya kakainin!" Natatawang sabi ni Val.

Hindi nga, pero mapapatay naman siguro ako dahil sa kaba.

"Ah basta ayuko!" Madiin at seryosong sabi ko.

"Ano ba naman yan Nicole, kahit mag tatago ka bukas at sa susunod pa hahanapin ka parin naman niya!" Naiinip na sabi niya.

Bakit ba kasi hindi siya marunong maki sabay.

"Hindi pa kasi ako ready na makita siya!" Sabi ko.

"Eh, kailan ka magiging ready?" Sabi ni Val

Kailan nga ba?

"Ah hindi ko pa alam!" Sabi ko.

"Ay bal--"

"NICOLE!"

"NICOLAI!"

Falling InloveWhere stories live. Discover now