Chapter 11: Another Friend

2 1 0
                                    

Isang Linggo, isang linggo na ang lumipas simula nung nangyari sa library. Isang linggo na ang dumaan, at sa kagandandahang asal walang ma'am Zen na nag pakita. Laking tuwa ko nga kasi, baka hindi na siya pupunta. Pero sabi daw ni Timothy wag daw akong makampanti, susulpot daw si maam Zen kung kelan niya gusto.

Sa loob ng isang linggo, hindi napagod si Timothy ka papaalala sa akin na wag akong mag kakamali sa harap ni Ma'am Zen kasi daw, ako lang din daw ang masasaktan sa resulta. Kung gaano daw ka pilyu si Zhawn mas malala daw ang mama niya.

Natatakot ako sa pwedeng mangyari, pero bahala na si batman.

Linggo ngayun at nasa park ako, as always eto nag papahinga ilang minuto palang kasi ng makarating ako. Oo nilakad ko na naman, bakit pa ako mag tataxi papunta dito kung kaya ko naman mag lakad sa loob ng four hours.

"Ineng!"

"AY KABAYO!"

"Tao ako hindi kabayo!" Nakasimangot na sabi ng matanda.

"Lo? Lolo naman, bakit po ba kasi kayo nangugulat? Nga pala long time no see lo!" Sabi ko sabay yakap kay lolo.

Pa senya na po! Ganito lang kasi ako, na miss ko parents ko eh.

"Hahaha, ikaw talagang bata ka! Nga pala ma syado ka sigurong busy sa school at ngayun kalang ulit naka pasyal dito!" Sabi ni lolo at umupo sa tabi ko.

"A-a eh! Opo eh, hehehe!" Tanging sagot.

Matagal nadin pala simula nung unang nagkita kami ni lolo, siguro dahil sa stress sa school at dagdagan pa ng problema ko about kay ma'am Zen.

"May problema ba?" Takang tanong ni lolo.

Ngumiti naman ako, at umiling.

"Sigurado ka? Kitang kita ko kaya sa mata mo!" Sabi ni lolo at tumayo, at kumuha ng kulay blue na cotton candy!

"Oh, kumain ka muna!" Sabi ni lolo, sabay abot ng cotton candy.

"Salamat po lo!" Sabi ko sabay abot ng cotton candy.

Sa totoo niyan, na gugustushan ko na yung cotton candy. Kaya nga lang matinik sa baba at lalamunan ko.

"Alam mo, mas bibigat yang problema pag kinikimkim mo!" Sabi ni lolo.

Ang oa ni lolo! Hindi naman masyado mahirap tong problema ko.

"Okay lang po talaga ako lo, malungkot lang po ako dahil na mimiss ko na po kasi yung parents ko!" Sabi ko.

Totoo naman kasi, miss na miss kuna sila.

"Asan ba sila?" Takang tanong ni lolo.

"They leaving underground po lo!" Malungkot na sabi ko, kunot noo naman tumingin si lolo sa akin.

"Underground? Saan yun, at saka pangalan palang halatang mainit dun ah!" Sabi ni lolo.

Napa tawa naman ako sa sinabi ni lolo, ewan ko ba kung seryoso siya sa sinasabi niya o nag bibiro.

"Hahaha, oo nga po lo! Sa subrang init, buto nalang sila ngayun!" Natatawang sabi ko, na nag pahinto sa matanda.

"Patay na sila?" Di makapaniwalang tanong ni lolo.

"Opo!" Sagot ko.

"Eh sino yang babae at lalaking nasa likod mo?" Nanlalaking matang sabi ni lolo.

Hindi ko alam pero nanayo yung balahibo ko, tignan ko naman si lolo at parang takot ang mukha nito. Kaya bigla nalang ako napapikit at...

"KYAAAAAH..... LOLO!" tili ko at sumiksik kay lolo, dahil sa takot.

Falling InloveOnde histórias criam vida. Descubra agora