Chapter 9: Fake friends?

2 1 0
                                    

"Class dismissed!" Pagkasabi ng professor namin agad na nag si takbuhan ang mga kaklase ko palabas ng classroom. Na parang nakawala sa hawla.

"Tara!" Napalingon naman ako kay Ashier na nakatayo na pala sa gilid ko.

"Huh, saan?" Takang tanong ko.

Vacant kasi namin ngayun, kaya nag si labasan na yung mga asungot kong mga kaklase.

"Sa heave-- Aray naman Terrence, problema mo?" Asar na bulyaw ni Ashier, ng bigla itong batukan ni Terrence.

Ngapala dalawang araw na ang lumipas, simula nung napagtripan kami ni Lexie. At nung ginawa nila akong lubid. Jusko lang hanggang ngayun na fe-feel ko parin yung pangangalay ng dalawa kong braso, dahil sa walang ka kwentang hilahan nayun.

Mag kaibigan nadin kami ni Lexie, minsan ngalang kami mag kita kasi ang layo nung building niya sa building namin.

"T*ngina mo gago! Wag mong idamay si Nicolai sa kababuyan mo!" Bulyaw sa kanya ni Terrence. Mabuti nalang talaga at ako nalang at ang barkada nalang nila yung natitira sa classroom. Kung hindi baka pinapatay na ako ng mga matatalim na tingin ng mga kaklase naming babae.

"Stop it morons!" Walang ganang sambit ni Zhawn, kaya tumigil naman sila kakabangayan.

"Let's go sa Cafeteria!" Sigaw naman ni Jerome, at na una ng naglakad palabas.

Agad naman hinila ni Xavier sina Terrence at Ashier sa suot nilang Necktie, at hinila na palabas. Hanggang sa ako nalang at si Timothy yung natitira, sa loob ng classroom.

"Hey you ugly nerdy girl! Stay away from us, kung ayaw mong ma pahamak. Buksan mo ang mga mata mo, hindi lahat ng nakikita mo totoo." Masungit na sabi nito.

A-ano ang ibig niyang sabihin?

"Hindi dahil mabait ang iba sayo, doesn't mean mabait talaga sila. Hindi sapat ang ilang araw na pag sasama niyo, para makilala mo kaming lahat. Hindi sapat ang kabaitan nila Nicole, let say your smart. Pero hindi lahat ng bagay alam mo, kilalanin mo muna ang taong nakikipag kaibigan sayo!" Seryosong sabi niya sabay erap at agad na akong tinalikuran.

Ano yung pinag sasabi niya?

Sinasabi ba niya na hindi talaga nila ako gusto maging kaibigan? Na kinakaibigan lang nila ako, kung may gusto silang makuha.

P-pero, ano yung mga sinasabi ni Terrence nung nakaraan? Seryoso naman si Terrence sa pakikipag kaibigan diba? Hindi sila fake friends.

Pero posibleng tama rin yung sinasabi ni Timothy, kaya sila umiiwas sa akin kasi di nila ako gusto. At baka prenuprotektahan lang niya ako, o gusto ipaalam na niloloko lang pala ako nina Terrence.

Pero impossible, ayoko maniwala sa kanya. Baka may iba lang talaga siyang ibig sabihin.

"Nicole!" Napabalik naman ako sa katinuan ng may tumawag sa akin.

"L-lexie? B-bat nandito ka?" Nauutal kong tanong.

"Tss! Hindi ka parin ba sanay sa akin? Tigilan mo na nga yang kakautal mo." Sabi niya sabay lapit sa gawi ko.

Hindi naman ako na u-utal dahil sa naiilang ako, baka kasi isa din siya sa tinutukoy ni Timothy diba. Malay natin.

"Himala at walang pipitsuging umaaligid sayo ngayun!" Nakangiting sabi niya, tinutukoy lang naman niya sina Ashier.

"Ah oo nga hehehe!" Tanging nasabi ko.

Ghad, bakit di maalis sa isipan ko ang sinabi ni Timothy?

Falling InloveWhere stories live. Discover now