P R O L O G U E

604 29 49
                                    

"You look great!" Impressed na impressed si Lily sa ginawa niyang make over sakin.


Tinignan ko ang itsura ko sa salamin.


Nakalugay ang aking blonde na buhok. Simpleng make up sa aking mukha, nagsimula sa mapula pula kong labi sa matangos kong ilong sa berdeng mata at mahahabang pilik mata hanggang sa aking kilay.


Maayos na maayos ang gawa ni Lily.

"And now, ito ang iyong susuotin" humarap ako sakanya tsaka nakita siyang nakahawak sa isang blue na above the knee dress na halatang kitang kita ang dibdib.


"Ayoko ngang suotin yan!" Sabi ko at uling iling.

"Now.. now.. ngayon lang naman toh eh, sigee na pagbigyan mo na ako" pagpipilit ni Lily.


"Ish naman" naiiritang sabi ko. Pero ngumiti lang ito saakin.

"Sige na. Damit lang naman yan" sumbat niya at nakangiting ipinakita ulit sakin ang damit.


"Kitang kita kaluluwa ko jan eh" naiiritang sumbat ko at kumusilap lang ito.


"Ngayon lang toh promise pagkatapos nito walang susunod" sabi niya at di pa ako nakakasagot ng itinayo niya na ako at itinulak sa may banyo kasama ang damit upang magpalit.


"Oh my gosh! You look amazing!" Bungad niya sakin ng makalabas na ako ng banyo.


Niyakap ko lang ang aking sarili dahil ramdam na ramdam ko talaga na kitang kita na ata ang buong balat ko.

Di ako sanay na nagsusuot ng ganito.

Niyakap niya ako at hinawakan sa kamay.

"Let's go!" Sabi niya at hinila na ako pababa ng hagdan.

"Tita Ami, alis na po kami" pagpapaalam ni Lily kay mom. Ng tumingin ito saamin ay tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.


"She look's amazing tita, bye!" Sabi ulit ni Lily at hinila na ako palabas ng bahay.

Ng makita namin ang sasakyan na palapit ay alam na namin na si Bray ito.

"Hop in guys!" Sigaw ni Raly mula sa bintana kaya naman pumasok na kami.


"You look... different today Chris. You look amazing" sabi niya na nakatingin sakin sa pamamagitan nang salamin.

Ngumiti nalang ako at tumingin sa bintana. Its 8:30 pm and where going to a house party, ni hindi ko nga kilala mga tao sa pupuntahan namin eh hinila lang talaga ako ni Lily dito. Dapat ngayon eh nasa bahay ako gumagawa ng assignment.


Malapit na siguro kami dahil sa mga ingay at ilaw na nakikita ko.

Ng makarating kami roon at puno na agad ng tao ang lugar, maliliwanag at iba't ibang kulay ang makikita sabay nadin ang malakas na tugtog na nanggagaling sa bahay.


Barrier in Between|✔Where stories live. Discover now