CHAPTER SIX:

150 15 18
                                    

Let's go to the doctor

---



Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumitira saking mata.



Unti unti kong iminulat ang aking mata pero nabulabog din agad ako ng makita ko si Val na nakatingin sakin.


"Your awake" simpleng sabi niya.


Nakatingin lang ako sakanya at dahan dahan na umupo sa aking kama.


"Ayos ka na ba?" Tanong ko dito.


"Yeah! I think so thanks to you" sagot lang niya, ngumiti naman ako.


"Si kuya nag gamot sayo, pero bakit ka tumaas ng hagdanan?" Tanong ko dito ng puno ng pagtataka dahil sa nangyare kahapon.


"Wala na akong alam na mapupuntahan sakto na napadaan ako sa bahay niyo at nakita ko ang hagdanan papunta dito" simpleng sagot niya at hawak hawak niya parin ang tagiliran niya.


"Anong nangyare sayo? Sino gumawa niyan sayo?" Tanong ko ulit.


"Its a long story Chris, you won't understand." Seryosong sabi niya.


"Maiintindihan ko naman kung ipinaliwanag mo" sumbat ko naman pero umiling lang ito.


"You need to go to the doctor for that" sabi ko at itinuro ko ang tagiliran niya tumango lang ito at tumingin sa paligid.


"Where's your kuya?" Tanong niya habang nililibot ang tingin sa paligid.


"Wait tawagin ko" sabi ko at di na hinintay ang sasabihin niya at tuluyan ng umalis sa kwarto upang tawagin si kuya.

"Kuya, he's awake" sabi ko ng maabutan ko si kuya na sinusuntok ang punching bag sa kanyang kwarto.


"Okay I'll be there in a sec" sabi niya at pinunasan niya muna ang pawis sa kanyang katawan bago sumunod sakin sa kwarto.


"Thanks for the help bro" bati ni Val kay kuya ng makapasok ito. Isinara ni kuya ang pinto ng makapasok ito.


Tumango lang si kuya at nginitihan siya.


"What happened last night?" Tanong ni kuya kay Val pero imbes na sagutin ito ni Val ay tumngin ito sakin.


"Its a long story bro, but I really needed to go. Thanks for helping me" sabi niya at dali dali itong tumngo sa bintana ko.


"Hey!" Tawag ni kuya kay Val pero nginitihan lang siya ni Val habang bumababa ng hagdan.


Ako naman ay nakatitig lang sakanya pinapanood na lumayo siya sa bahay.



"He should pay me for my tshirt" sabi ni kuya at natawa lang ako dahil dito.


"Ew Chris, you really need to take a shower" pag aasar niya at inamoy ko naman ang damit ko pero mabango naman ito dahil naligo ako kagabi pagkatapos nung nangyare.


"Your the one who needs it more kuya!" Sumbat ko ng makaalis na siya sa kwarto ko.


Bumalik naman ako sa aking kama at hihiga na sana ng makita ko ang isang maliit na papel saking desk table.


'You save my life and i'll do it too in return'

Binuksan ko ang aking drawer at inilagay ang pirasong papel doon.


Barrier in Between|✔Where stories live. Discover now