CHAPTER EIGHT:

134 12 15
                                    

Got your back

---


Bumangon si Andrew sa pagkakatumba niya at galit na tinignan si Val.

Dumura ito dugo "did you just punch me?!" Galit na sigaw niya kay Val.

Seryoso lang at walang expresyon ulit ang mukha ni Val, tulad nalang nung humarap ito dun sa grupo ng mga lalaki.

"Yeah I just did, didn't you see it? Do you want I'll try it again" sumbat ni Val dahilan para magsigawan ang tao sa hallway.

Pinapaliputan na kami ngayon ng mga studyante.

Napatawa naman ng mahina si Andrew ng bigla nalang itong sumugod kay Val at kinwelyohan ito.

Pinipilit ni Andrew na lakasan ang paghawak niya dito pero nginisihan lang siya ni Val.

Mas matangkad si Val pero kinaya ni Andrew na ipantay ang kanilang mukha.

"Mind your own business" pagpapalinaw ni Andrew.

Pero tumawa lang si Val na para bang di ito natakot.

Nagsigawan ulit ang mga tao pero napahinto din agad ng biglang tumigil si Val sa pagtawa at naging mas madilim ang tingin nito kay Andrew.

Bigla naman akong hinawakan ni Lily at hatakin palayo sakanila.

Ito ba ang sinasabi niyang dark side niya? O dikaya may mas nakakatakot pa itong tinatayo.

Tahimik ang buong paligid.

Mislalo akong napatakip sa aking bibig ng bigla niya ding kinwelyohan si Andrew pero ang ikinagulat ng lahat ay kitang kita sa mukha ni Andrew na ito'y biglang natakot sa biglang aksyon ni Val.

Napabitaw agad si Andrew kay Val dahil sa takot at aatras na sana ng di ito binitawan ni Val at hinila pa ito palapit.

Kitang kita sa mata ni Andrew ang takot ng ilapit ni Val ang kanyang ulo sa bandang tenga niya.

"Asshole, don't try to challenge me" seryosong bulong ni Val kay Andrew ngunit rinig na rinig parin namin nila Lily at Bray dahil nasa gilid lang kami.

Inilayo na ni Val ang kanyang ulo at tinignan naman ito.

Blanko at seryosong mukha at nakakatakot na titig ang itinatapon ni Val kay Andrew.

"What's happening here!" Napatingin kaming lahat sa aming likuran.

Naglakad ito papunta sa gitna at seryosong tinignan kami.

"Mr. Velasco and mr. Lee, go to the guidance now!" Sigaw ng tatay ni Bray which is tge principal.

Bigla bigla namang pinitawan na ni Val ang kwelyo ni Andrew ngunit nakatingin parin ito kay Andrew.

Takot na takot na napahawak si Andrew sa kanyang kwelyo.

Sinuklay ni Val ang kanyang buhok gamit ang kanyang kamay at unti unti ng naglakad palayo.

Napatingin naman samin si principal.

"Also you three! Go to the guidance!" Sigaw samin nila Lily at Bray.

"But-" pinutol agad ni principal ang sasabihin ni Bray.

"No more buts! Go to the guidance now!" Sumbat niya ulit samin kaya kahit ayaw namin ay wala nadin kaming choice kundi tumungo doon.

"Everyone! Back to class!" Rinig namin na sigae ulit niya ng paalis na kami.

Dahan dahan naming binuksan ang pinto at humarap samin ang mala classroom din ngunit walang studyante except sa kanila Val at Andrew na nasa magkabilaang gilid ng silid.

Barrier in Between|✔Where stories live. Discover now