CHAPTER THIRTY ONE:

107 4 1
                                    

FLASHBACK

---


CHRIS POINT OF VIEW


"Val!" Sigaw ko habang itoy lumalakad palayo, nagsisimula nadin bumuhos ang mga luha sa aking mukha.


Mahigpit akong hinawakan ni kuya Uno sa magkabilang braso, nakatingin ito ng seryoso.

"Stop it Chris!" Seryosong sabi niya sakin, napakagat ako sa aking ibabang labi pinipigilan ang paghikbi ko.

"No more seeing Val anymore" sabi niya tsaka ako binitawan, sa pagkakataong iyon binitawan niya na ako ng sabay namin na marinig ang pag andar ng motor ni Val palayo sa bahay.


"You don't have the right to stop me in loving someone" diretchong sabi ko ng lagpasan niya ako.


"Go to your room!" Biglang sigaw niya saakin, hindi naman na ako nagsayang ng oras at dali dali siyang iniwan sa baba, diretcho akong pumasok sa aking kwarto at nilock ang pinto.


Napatumba agad ako sa mismong harapan ng pinto at doon ibinuhos lahat ng aking luha.


Napayakap ako sa aking binti habang patuloy na umiiyak, hindi alam ang gagawin.

"Val... naman..." pahikbi hikbi kong sabi habang niyayakap parin ang aking tuhod.

Napahinto nalang ako sa pagiyak ng iangat ko ang aking ulo at nakita ang aking bintana na nakabuhas, dahilan upang maihangin hangin ang kurtina dito.


Dahan dahan akong napatayo at lumapit dito, hindi na ako nag dalawang isip at dali dali na akong lumbas sa aking bintana, bumaba ako sa may hagdan at dali daling tumakbo paalis sa bahay.


Bahala na sila jan, basta pupuntahan ko si Val. Kailangan niya ako, kailangan namin magtulongan para maayos ang problema niya, hindi pwede na siya lang ang aayos doon, kailangan ko siyang tulungan.


Patuloy lang sa pagtatakbo sa gilid ng kalsada, wala ng iniisip na iba kundi puntahan si Val.

Ng mapahinto ako ng may humarang bigla na van sa pagtatawid ko ng kalsada.

"Hey Chris!" Bungad sakin ni Andrew na siyang lumabas sa van. Nagtataka akong tumingin sakanya.


"Anong kailangan mo Andrew" mahinahong sabi ko dito, ano nanamang kailangan niya?


"San ka punta? Sakay na" sabi niya na mislalong ipinagtaka ko, dali din akong umiling at napaatras ng bumaba ito mula sa van.


"Hindi na, ayos lang ako. Excuse me" sabi ko at hindi na siya pinansin, maglalakad na sana ako papunta sa dulo para lagpasan ang van ng bigla niya akong hawakan sa may pulsuhan.


"Come on! Sakay na" sabi niya habang ako ay pinipilit na tanggalin ang kamay niyang nakahawak saakin.


"Ano ba! Bintawan mo nga ako!" Pagpupumiligil ko, hinihila niya na ako papunta sa may pintuan ng van na dahilan ng pagkapanic ko.

"Puta! Andrew! Bitawan mo ako!" Pagsisigaw ko na habang pinipigilan siya sa paghila saakin, ng hindi parin siya tumigil ay pinaghahampas ko siya gamit ang isa kong kamay.


Barrier in Between|✔Where stories live. Discover now