CHAPTER FIVE:

159 15 18
                                    

Project Partners

---


"Morning" bigla akong napahinto sa paglalakad ng makita ko si Val sa harapan ng bahay.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko dito at lumapit sakanya.

"I texted you, susunduin kita" simpleng sabi niya.

"I didn't receive any text" pagsisinungaling ko at nauna na akong maglakad.

Naiwan siyang nagtataka pero dali dali din itong sumunod.

"What?! But tinignan ko naman ng maayos yung number na binigay mo" nagtataka siya pero napatawa nalang ako.

"Di ko alam sayo, tsaka bat ba ginagawa mo tong mga bagay na ito?" Tanong ko dito na nakatingin lang sa dinadaanan.

"What things?" Tanong niya.

"Yung hatid sundo at yung pagkuha ng number ko, don't tell me nilalandi mo ko?" Natatawang sabi ko.

"Pagsinabi kong oo, lalandiin mo din ba ako" seryoso niyang sabi na nagpatigil sa pagtawa ko.

"And landi is not the word okay? I'm just interested in you" proud pa niya na sinabi. Napangisi naman ako.

"I'm sorry but I'm in a relationship" sagot ko dito mukha naman itong nagulat.

"No way! Nagbibiro ka lang" sagot niya naman at umiiling iling pa.

"In a relationship with my books" natatawa kong sabi at ipinakita ang librong yakap yakap ko.

Bigla naman nagiba ang kanyang mukha.

"I knew it!" Sabi niya nalang.

Ng makarating kami sa school ay pumunta muna ako sa aking locker uoang kunin ang mga gagamitin ko.

"Good morning sista!" Bati sakin ni Bray na katabi ko lang ng locker.

"Morning!" Sagot ko din pero napatingin ako sa paligid at hinanap yung isa.

"If your wondering kung nasan yung isa, wala biglang nagkasakit." Sabi ni Bray kaya napatingin ako dito.

"Bat anong nangyare? Biglaan ah" sagot ko dito.

"Baka nahawa na ng hiv" bigla akong natawa dahil sa sinabi niya.

"Gaga!" Sabi ko nalang habang tumatawa.

"Tara na nga, malalate na tayo" sabi niya nalang at naglakad na kami papunta sa classroom namin.

Pagkatapos ng lahat ng klase ay naalala ko pala na gagawa kami ngayon nung experiment namin.

Nakatitig lang ako sa unknown number niya.

Ng makapasok ako sa lab ay iniwan ko na ang mga gamit ko sa table.

Shit bahala na nga.

Pinangalanan ko na ang unknown number at tinext siya.

To: Val
Experiment time.

Pagkasend ko ay nagscroll scroll muna ako sa instagram ko habang nanghihintay napahinto nalang ako ng biglang magbukas ang pinto at masayang pumasok si Val.

Ibang iba ang aksyon niya pag magkasama kami at pag iba kasama niya.

Bigla itong lumapit sakin at ipinakita ang cellphone niya sakin.

Barrier in Between|✔Where stories live. Discover now