CHAPTER SEVENTEEN:

105 7 23
                                    

Valentine's day is a curse

---

Kinapkap ko ang aking bulsa ng ito ay mag vibrate.

From: Unknown
Surprise.

Napatayo ako at tumungo sa pintuan para buksan ito at tignan kung ano ang nasa labas.

Sumunod naman nadin sila saakin dahil sa pagtataka.

Bumungad samin ang malaking itim na kahon ng binuksan ko ang pinto.

"Val" tawag sakin ni Magnus na puno ng pagtataka.

Una kaming nakatanggap ng maliit na kahon at ngayon naman ay malaki, sobrang laki.

Dahan dahan kong binuksan ang taas ng kahon.

"Ah!" Napasigaw sila sa gulat sabay ang paghawak sa kanilang bibig.

Napabitaw ako sa takep ng kahon na tinanggal ko.

"Val" natatakot na bigkas sakin Chris, pero nakatuon lang ang aking tingin sa kahon na punong puno ng mga buto ng tao.

"Fuck! Val" sabi naman ni Magnus.

Napatingin kaming lahat sa sala dahil bigla nalang nagsi ring ang kanilang mga cellphone.

Binitawan ako ni Chris at tumungo siya sa pinaguupuan niya kanina para kunin ang kanyang cellphone at ganun din si Magnus dahil sakanilang dalawa atah ang tumutunog na telepono.

"Oh fudge sino ang may gawa nito" natatakot na bigkas ni Bray na hawak hawak parin ang kanyang bibig.

"Val, ayos ka lang ba?" Tanong naman sakin ni Lily pero umiling lang ako.

Bumalik ang tingin ko sa mga buto na nasa loob ng kahon.

No! This can't be!

Hindi toh pwedeng mangyare! Napakagat ako sa ibabaw na labi ko.

"What?! Kuya what are you saying?!" Napabalik ang aming tingin kay Chris ng naguguluhan itong nakikipag-usap sa kanyang kuya.

Bigla akong nagtaka ng mapatingin ito sakin habang kinakausap niya ang kanyang kuya, its a different stare.

"What are you fucking saying!" Galit na sumbat ni Magnus sa kanyang kausap. At napatingin din ito sakin, iba din ang kanyang tinggin gaya ng kay Chris.

"Magnus? What's wrong" sabi ni Iza at lumapit ito kay Magnus na nasaakin parin ang tingin.

"No way kuya! I don't believe you!" Sigaw pa ni Chris na frustrated na.

Bigla akong nagtaka dahil sa inaasta nila.

"Hey Chris, is something wrong?" Tanong pa ni Bray tsaka ito nilapitan at ganun din naman si Lily.

Naiwan ako sa may harapan ng pintuan kasama si Kevin.

"I don't fucking believe you!" Galit na sigaw ni Magnus sa kanyang kausap.

Barrier in Between|✔Where stories live. Discover now