CHAPTER TWENTY SIX:

96 5 4
                                    

I need to stop this

---

"Slow down Val" sigaw ni Chris mula sa likod habang binibilisan ko pa ang pagpapaandar ng aking motor upang puntahan si Magnus, hindi ko nalang pinansin si Chris sa likod at mislalo pang binilisan ang pagmamaneho.

Dali dali kong inihinto ang motor sa kung saang lugar niya sinabi kung nasaan niya.


"Tito Andy!" Sigaw ko ng makita siya na nagmamadaling pumasok sa kanyang maliit na resto, napatingin naman ito agad saakin.

Ng makababa kami ni Chris ay dali dali ko siyang hinawakan sa kamay at hinila ko nadin siya ng tumakbo ako palapit kay tito Andy.

"Naku! Val, buti at dumating ka!" Bungad niya sakin tsaka biglang inabot sakin ang isang malaking plastik.

"Si Magnus?" Nag aalalang tanong ko sakanya at itinuro niya naman sa loob, nauna siyang maglakad samin kaya sinundan lang namin siya.

"Malala ang lagay ni Magnus Val" sabi niya sakin habang kami'y naglalakad papasok sa kanyang bahay, dahil nga magkadugtong lang ang kanyang bahay at ang resto.

"Magnus!" Dali dali akong lumapit dito ng makitang punong puno ng dugo ang buong katawan niya pati nadin ang kanyang mukha.

Nakahiga siya sa gawang kahoy na mahabang upuan.

"Va..l" nahihirapan siyang sumagot ng lumapit ako dito, napaupo naman ako sa sahig habang pinagmamasdan ang kanyang kalagayan.

"Anong nangyare?" Nagaalalang tanong ko sakanya.

"Tabi ka muna jan iho, kailangan na nating gamutin ang mga sugat niya" biglang sabi ni tito Andy kaya naman napagilid ako at dali dali kong binuksan ang plastik kung nasaan nakalagay ang mga iba't ibang kailangan sa paggagamot kay Magnus.

"Chris can you do me a favor?" Sabi ko ng humarap ako kay Chris na naguguluhan sa nangyayare pero dali din itong tumingin sakin at tumango.

Kinuha ko naman ang cellphone ni Magnus mula sa kanyang bulsa at ibinigay kay Chris, nagtataka naman niya itong tinanggap.

"Call Iza for Magnus" sabi ko sakanya hindi niya naman na ako sinagot pero dali dali niya din na kinalkal ang cellphone ni Magnus, maya maya pa ay itinapat na ni Chris ang cellphone sa kanyang tenga.

Bumalik naman ang tingin ko kay Magnus at kay tito Andy.

"Pano siya napunta dito?" Tanong ko kay tito Andy habang isa isa niyang ginagamot ang sugat ni Magnus.

"Nagulat din ako sakanya, may sunod sunod na katok akong narinig at ng buksan ko ang pinto ay si Magnus ang humantong sakin na duguan, ipinasok ko siya sa loob at tinanong kung anong nangyare pero hindi niya ako sinagot. Sabi ko sakanya na dadalhin ko siya sa ospital pero sabi niya hindi pwede at pinaghahanap daw siya" pagpapaliwanag niya naman habang ginagamot si Magnus.

Napapasabunot naman agad ako ng aking buhok ng biglang tawagin ako ni Chris tsaka biglang ibinaba ang cellphone. Nakaloud speaker ito ng marinig ko si Iza.

"Hello? Magnus? San ka na?" Rinig kong sabi niya sa kabilang linya. Napabunfong hininga naman ako tsaka siya sinagot.

"Iza? Its me Val, Magnus needs your help. He's badly hurt, we need some assistant here" diretchong sabi ko nakarinig naman ako ng katahimikan mula sa kabilang linya ng makarinig kami ng pagbagsak.

Barrier in Between|✔Where stories live. Discover now