CHAPTER NINE:

131 13 18
                                    

Spin the bottle

---


"Your not sure about that" sagot niya lang bago kami lumoob sa Chops & Hops.

Papalapit na kami sa usual place namin ng kumaway si Bray sakin pero napahinto ito ng makita si Val na kasama ko.

"Wow ah madalas na atah ang pagkasama niyo" bungad samin ni Lily ng kami'y nakaupo na.

"Bro" bati ni Kevin ng makita niya si Val.

Nag fist bump naman sila.

"Tinapos lang namin yung project namin" sagot ko naman.

"Okay then let's order?" Sabi ni Kevin.

Tinawag ko ang isang nakauniform na Chops & Hops, di ako familiar sakanya kaya baka bago lang ito.

Nag order lang kami nila Bray at Lily ng milktea habang sila Val at Kevin ay nag heavy meal.

"Sure kayong yan lang ang inorder niyo?" Nagtatakang tanong ni Kevin na nakatingin sa inorder namin.

Magkakatabi kaming tatlo ng upuan samantalang nasa harapan namin sila Val at Kevin.

"Kumain kami kanina sa Cafeteria" sagot ko.

Tumango lang naman ito at sinimulan ng kumain.

"You know this is so awkward" pagpuputol ni Lily sa katahimikan ng kami'y kumakain.

Napatingin kaming lahat sakanya.

"Who wants to play a game?" Sabi niya at dali dali namang pinalo ito ni Bray.

"Gaga! Sure!" Sagot ni Bray, napailing nalang ako sa kung ano mang iniisip ng dalawa.

"Kevin, Val?" Tanong ni Lily.

"Yeah I'm okay with it" sagot ni Kevin habang may nginangalngal pa ito.

Tumango lang naman si Val.

"How about Chris? Di niyo siya tatanungin?" Pagtataka ni Kevin.

Tinignan naman nila akong dalawa.

"Nako! Kahit di mo yan tanungin kasama't kasama yan!" Sagot ni Bray.

Kinusilapan ko naman sila.

"What's the game?" Tanong ni Val sa dalawa.

"Truth or dare" sagot ni Lily.

Napabunting hininga ako "pambatang laro naman yan" sagot ko dito pero uling siya agad.

"No. No. No... madaming mabubunyag dito" nangangasar na sagot ni Bray.

"Fine.. fine" sabi ko nalang at tinignan lang sila.

Nilabas ni Lily sa kanyang bag ang isang plastic bottle at inilapag ito sa gitna ng table.

"Okay! The game begins" sabi niya at inikot na ang bottle.

Unti unting bumagal ang paggalaw ng bottle hanggang huminto ito na nakaturo kay Kevin.

"Ano ba yan! Ako agad" iritang sabi ni Kevin.

Napatawa kami ng mahina.

"Truth or dare?" Tanong ni Bray dito.

"Truth, kumakain pa ako" sagot ni Kevin.

Barrier in Between|✔Where stories live. Discover now