Chapter 4

375 204 435
                                    

Chapter 4: Puppy

Ikaw daw ay nahulog?
Ano ba yan?. Ikaw ba'y tulog?
Mabuti na lang at may tao dyan
Baka kasi hindi ko mapigilan at ika'y tulungan.

Ingat-ingat rin next time ha!
Wala ako dyan para saluhin ka.
Mabuti sana kung nahulog ka,
At sa puso ko ikaw tumama.

Love,
You

Pakiramdam ko ay namumula na ako sa pagbasa ng letter na to. Lalo tuloy akong nacurious sa kanya. Akalain mo yun. Alam niya yung mga nangyari sakin.. Hayy! Kailan ko pa kaya siya makikita??

-

Halos tapos na lahat ng kailangan para sa anniversary.. Ang stage ay may mga dekorasyon na at naitayo na din ang iba't ibang booths ng bawat year level.

"Kyle, nood lang ako ng basketball sa gym" sabi ko ng matapos na kaming kumain ng miryenda.

"Samahan na kita" tango nalang ang naibigay kong sagot habang nagliligpit ng gamit.

Malayo ang pwesto namin ni Kyle sa pwesto mismo nina Chubs.

"Nat bakit pala wala kang sinalihan na sports?" Napasinghap ako sa tanong niya.

"Wala lang.. Tsaka ayaw eh."

"Ayaw nino?" Napatinging ako sa direksiyon ni Chubs at binalik ko yung tingin ko kay Kyle

"Ayaw ni Charles?"

"Hmmm hmm" sabay tango ko.

"Bakit daw?"

"The shorts? Haha.. Ewan ko. Tatay yan eh"

"Just the shorts Nat? Ang KJ naman. "

"Okay lang din naman sakin. Less hassle."

"Controlled huh?"

"No. Ganyan lang talaga siya." sabay balik ng tingin kay Chubs na kakatapos lang ang practice.

"Kung ako magkaka girlfriend, susuportahan ko siya lahat ng bagay" hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Hindi naman kami magjowa ni Chubs.

"Lucky girl"

"Lucky ka" Napabaling ako sa kaniya.

"A-ano sabi mo Kyle?"

"Haha... Joke lang. Eto naman oh. Ang seryoso.." Our conversation became so awkward so I decided to go.

"Ahm Kyle una na ako"

"Sige. Ingat Nat" tango nalang ang naigawad ko sa kanya at sinalubong si Chubs.

First day na nang anniversary. Puno ang school ng iba't ibang mukha ng mga estudyante dala ang kanilang mga inimbitang kaibigan. As a president, I don't have enough time to familiarize those faces. I was walking toward the principal's office when one of the SC officer approached me. It was Irene, the secretary.

"Miss Pres, yung funds kasi, kinulang. May dalawang section kasi yung hindi nakapagbigay. Wala na kaming makuhanan kaya sayo na ako dumeretso"

"Mga ilan pa ba yung kulang?" Tanong ko habang kinakapa yung wallet sa bag.

"One thousand pa eh. Hindi ko naman mahagilap yung mga officers kasi nasa mga stations na nila sila".

"Its okay. Use it" at inabot ko sa kanya yung pera. "Just make sure na mabibili lahat ng kailangan"

Letters Love, YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon